PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Christian Bautista on forging a better career path with GMA-7: “Ngayon kasi I always want to go to the next level.”

Christian is still enjoying the “honeymoon phase” of his recent transfer to GMA-7
by Rey Pumaloy
Published Apr 6, 2013
Christian on long-term plans with girlfriend Carla Dunareanu: “Sa tingin ko pang-matagal sa ngayon. Kung pupunta tayo sa kasalan, hindi pa natin iniisip yun. Pero she’s very close para sa isang babaeng hinahanap ng kahit sino.”

Nasulit daw ang bakasyon ni Christian Bautista sa Hongkong nitong nakaraang Semana Santa.

Sa kuwento ng dating Kapamilya artist (na ngayo’y GMA-7 contract talent na) sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang exclusive namin itong nakapanayam kamakailan sa studio ng nasabing network, nagawa raw niyang i-explore ang iba’t-ibang lugar sa Hongkong na hindi pa nararating ng ibang mga turistang gaya niya.

EXPLORING HONGKONG. Salaysay pa ni Christian, “Na-discover ko yung ibang lugar sa Hongkong na hindi usually nakikita ng ibang turista.

“Nandun yung nag-hiking kami, nag-beach kami at yung mga local restaurant pumunta rin, yun yung sa mga Chinese, tapos French.

“Usually kasi sa Hongkong, shopping lang tapos kain. So, meron pa palang puwedeng gawin, meron pala roon yung mga trail or peaks na maraming nagdya-jogging, nagha-hiking. May mga dala silang aso.

“Meron pala doong peak, yung pinakamataas na bundok sa Hongkong. May mall doon sa taas. Parang... wow! Meron palang ganito dito!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yun ang mga in-explore namin. Ganda!”

Kasama ni Christian sa bakasyong ito ang mga kasamahan niya sa naipalabas nang series sa Singapore na Kitchen Musical, ang current girlfriend niyang si Carla Dunareanu, isang nagngangalang Rosemarie at ang mga kaibigan nito.

Si Carla ay isang artist-model sa Singapore na ngayon ay dito na naka-base sa Manila at nagsimula na ring sumabak sa stage acting. Una niyang project ay ang kakatapos lang na stage musical-comedy play na Boeing-Boeing under the production ng Repertory Philippines.

Kasama rin siya sa isang radio program, bilang co-DJ sa isang FM station.

Umalis patungong HK sina Christian noong Miyerkules Santo at bumalik lang daw sila nong Easter Sunday para sa live guesting niya sa H.O.T. TV.

Noong nakaraang linggo, taped ang episode na ipinalabas sa Party Pilipinas kung saan lumabas na si Christian. Bilang bagong talent ng Kapuso network, inililibot ngayon ang singer-actor sa mga live shows ng istasyon para i-welcome ang pagiging bagong miyembro niya ng pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagbibirong sinabi ni Christian na kaya siya umuwi nang maaga ay para lang sa live guesting niya sa H.O.T. TV, kaya naman tinanong namin siya kung nabitin ba ang bakasyon niya sa HK.

“Actually, okey na sa akin yun, e. Okey na sa akin ang 3 days kasi parang... may momentum tayo na gusto nating i-start. Nagsimula na nga sa Party Pilipinas and I don’t wanna stop that.

“Yung Party Pilipinas last Sunday is all replay ng mga dati. So, ang ginawa namin since wala ako doon, nag-tape ako nung Sunday [bago mag-Holy Week] para ipalabas sa taped episode.

“So, talagang nagro-roll na yung bola,” saad niya

BONDING WITH CARLA. Since kasama ni Christian ang girlfriend niya sa HK, tinanong namin kung ano pa ang nadiskubre niya dito habang magkasama sila.

“Of course, mas naging close kami... matagal na rin kaming magkakasama, one year. And marami na rin kaming...

“Ang gusto ko sa kanya, wala na rin kaming itinatago sa isa’t-isa. Pag meron kaming kailangang pagusapan napaguusapan namin. Whether serious or not.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“And she’s very supportive sa aking mga decisions and I support her also,” masaya niyang kuwento.

Ikinuwento nga ni Christian na sinamahan niya si Carla sa dog event nito pagbalik nila mula sa Hongkong. Bago raw siya pumunta nang H.O.T. TV, sinamahan niya ang kasintahan. Mahilig raw kasi sa pet dogs si Carla.

Aniya, “Ganun kami, nagsusuportahan. Like nung last year, pinanood niya lahat ng araw ng concert ko... so, maganda.”

LONG-TERM RELATIONSHIP? Glowing ang mga mata ni Christian habang nagsasalita siya tungkol kay Carla kaya naitanong namin sa mang-aawit kung pangmatagalan na ba ang relationship niyang ito?

“Ah, sa tingin ko pang-matagal sa ngayon,” mabilis niyang sagot.

“Ahm, kung pupunta tayo sa kasalan, hindi pa natin iniisip yun. Pero she’s very close para sa isang babaeng hinahanap ng kahit sino.”

First time mo bang magkaroon ng ganitong relationship na ayos lahat?

“Siyempre, wala namang perfect relationship. Pero meron namang relationship na you work it out.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Lahat ng tao magkakaiba. Merong sari-sariling gusto. Pero somehow, nagmi-meet kayo sa gitna and ang gitna namin ay si God of course. We believe na si God ang dapat na mag-roll ng aming relationship.

“And to answer your question…wala pa akong na-meet na ganun. This is the first time,” giit niya.

May mga tampuhan rin ba kayo or little love quarrels? Kung meron, anu-ano ang mga ito?

“Meron naman... pero iba ako kasi. Ako yung serious na nagpa-plano na medyo secure or nagsisigurista nang konti. Siya naman yung, go na tayo kahit anong mangyari! Siya naman yung rah-rah.

“So, nagba-balance kami. 'Kailan natin gagawin ito, punta tayo dito!' 'Teka, teka muna!'

“So, nagkakaroon kami ng… hindi naman away. Sa tingin ko yung away nangyayari... yung matinding away na pag maliit pa lang ang issue hindi na ninyo pinag-usapan.

“Dapat yung maliliit na isyu pagusapan ninyo na para hindi na lumaki. Tapos wala na yung sumbatan. Aceept lang kung anong mga…lahat naman tayo nagkakamali. Wala namang perpekto sa atin, e,” pagpapatuloy niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NETWORK TRANSFER “HONEYMOON.” Pagdating naman sa kanyang paglipat, official second na week na ito ni Christian mula nang lumabas siya sa Party Pilipinas.

Anong mangyayari sa mga darating na araw? Ano na ba yung mga nakahain nang gagawin mo?

“Yun na nga, right now, mga guestings muna sa mga GMA shows like, Unang Hirit, Kape’t Balita ni Arnold Clavio. Lahat yan iikutan ko.

“Pero alam mo, I’m comfortable kasi nagawa ko na rin yan dati, dito! Kapag nagpu-promote ako ng album.

“Nag-guest na rin ako kay Sir Arnold Clavio, nag-Unang Hirit na rin ako.

“So, medyo kilala ko na rin ang mga ka-trabaho ko. So, yung mga teleserye wala pang final. Yung hosting...Eat Bulaga? Nandiyan ako,” balita niya.

MAJOR PROJECTS TIMELINE? Kailan ba magsisimula yung matatawag na first major project mo sa GMA-7?

“Wala pa,” agad niyang tugon.

“Kasi pina-plano pa kung ano yung the best story, teleserye ba ito or what?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aabutin ba nang ilang buwan bago ka magkaroon ng malaking project sa istasyon?

“Matagal pa... siguro mga two to three months. I don’t know, we have to ask GMA management for that.

“Pero dahil medyo nabakasyon lahat hopefully, makabalik na kami sa meeting.

“Ang maganda kasi sa nangyayari ngayon, mabubuo namin kung anong magandang show from the start. Hindi lang yung eto yung show, ipapasok ka na agad. Pag-uusapan ng maayos,” paliwanag niya.

Hindi kaya lumamig ang hype ng paglipat mo kapag tumagal pa ng tatlong buwan bago ka magkaroon ng sinasabing malaking TV project?

“Ahm, ang makakasagot nyan ay sina Ms. Lilybeth [Rasonable, Vice President for Entertainment] at Ms. Gigi [isa rin sa mga executives ng istasyon] pag nag-meeting na kami.

“I’m not the right person to answer that right now.

“As of now, I don’t think na mangyayari yun (na ang tinutukoy ay ang paglamig ng promotion sa kanyang pag-transfer) dahil right now nandyan naman ang Party Pilipinas and all the other GMA shows.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang maganda kasi ngayon, concentrate muna ako sa Party Pilipinas. Kung halimbawang Eat Bulaga muna, Eat Bulaga muna.

“Hindi rin kasi maganda na parang itinapon mo na lang ako dyan, lahat gagawin mo. Ano bang gagawin niyan, maghu-host ba yan, mag-a-acting or kakanta ba siya?

“So, puwede namang sige, ngayon kanta muna. Introduce Christian again as singer sa GMA. Then later on, alright, introduce him as the actor and maybe later as a host... para may flow ba?” saad niya.

CHARTING NEW CAREER PLAN. Yun bang ganitong career plan, kayo ang nag-suggest sa GMA-7 o ang mga big boss ba ang nagbigay ng ganitong idea?

“Ahm, kami ang nag-suggest, in-offer kina Ma’am [Lilybeth]. Pero kung kailan ito, hindi ko masasagot dahil hindi ko rin alam kung ano ang timeline.

“Masasagot ko yan kapag nag-meeting na kami uli or may malinaw nang plano.

“So, yung proper timeline lang ng major shows, wala pa. Puro guestings lang muna,” banggit ng singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NO BURNING BRIDGES. Ano ang feeling mo sa importansyang ibinigay sa pagtanggap sa iyo ng GMA-7? Siguradong hindi mo ito naranasan sa kabilang istasyon dahil hindi ka pa naman si Christian Bautista noong mga panahong iyon.

“Huwag namang gano'n,” nangingiting comment ni Christian, na ang ibig niyang sabihin ay huwag pagkumparahin ang dalawang network.

Pero nilinaw naming ito kasi ang katotohanan na hindi maitatanggi— na baguhan pa lang siya nang papirmahin siya nang kontrata sa ABS-CBN.

“Ahm, I don’t wanna compare,” depensa niya agad. “I don’t wanna burn bridges. Pero sabihin na lang natin na siyempre, iba yung pasok ko as a new artist before at iba yung pasok ko ngayon as a... medyo kilala na naman ng konti dito sa Party Pilpinas.

“Pero iba ang naging growth ko sa ABS-CBN for the past 9 years at iba rin yung magiging growth ko ngayon sa GMA-7,” pagkumpara niya.

AIMING FOR THE NEXT LEVEL. Kaya ka ba nagkaroon ng ganitong career plan or nagkasiguro ka sa mga darating na taon ng career mo para ma-sustain rin yung visibility mo bilang superstar sa abroad, particular na sa Indonesia at Malaysia?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ngayon kasi I always want to go to the next level. Paano tayo pupunta sa next level at kung paano mapu-fulfill yun ng partnership natin with GMA…anything is possible under that I believe.”

Yun bang sa Eat Bulaga, magiging semi-regular ka ba or magiging regular dabarkads ka na?

“Ayun din... yun nga ang mahirap sagutin kasi wala pang plano, e. Ang tanong kasi, kung gusto ko ba at kung ano ang gusto ko? So, kung tinatanong ako? Gusto ko siya. Pero kung sure na ba? Hindi ko pa nakikita yung proper na outline.

“Makikita ko yan kapag nagkapag-meeting na talaga nang husto with GMA.

“Well, honestly, gusto ko talagang mag-guest... Pero sana nga welcome din ako sa show. Ayoko rin namang ipilit ang sarili ko. But if I am able be part of the family [Eat Bulaga], why not?” pagwawakas niyang saad.

Read Next
Read More Stories About
Christian Bautista, GMA-7
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Christian on long-term plans with girlfriend Carla Dunareanu: “Sa tingin ko pang-matagal sa ngayon. Kung pupunta tayo sa kasalan, hindi pa natin iniisip yun. Pero she’s very close para sa isang babaeng hinahanap ng kahit sino.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results