First anniversary episode ng weekly ABS-CBN talkshow na Showbiz Inside Report noong Sabado, April 6.
Hosts dito sina Janice de Belen, Carmina Villarroel, at Ogie Diaz
Kasama sa original hosts ng programa si Joey Marquez, ngunit pansamantala muna itong nagpaalam dahil sa pagtakbo nito bilang representative ng Parañaque City.
Bilang pansamantalang kapalit ni Joey ay naging guest co-host ang mister ni Carmina na si Zoren Legaspi.
Sa isang bahagi ng programa ay kinuha ang reaksiyon ni Janice sa naging pahayag ng ex-husband niyang si John Estrada tungkol sa sama ng loob nito sa actress-TV host.
Sa isang panayam kasi ay sinagot ni John ang paratang ni Janice na hindi sapat ang sustentong ibinibigay niya sa apat nilang mga anak.
Ayon sa aktor, “Yung sinasabi ni Janice na magiging okay kami if I support my kids right, korte na po ang nagsasabi— kasi dinala niya ako sa korte na I didn't contest— ito dapat ang ibigay mo sa mga anak mo, yun talaga.
“Ano pa bang hindi tama na korte na nagsabi na ito dapat ang ibibigay ko sa mga anak ko? And I give more.”
(CLICK HERE to read related story.)
Sagot ni Janice tungkol sa sinabi ni John: “Nothing. Nothing. Okay lang sa ‘kin.
“Ako, simple lang naman sa ‘kin and I tweeted it last night: ‘The truth needs no explanation nor justification.’"
Ano naman ang masasabi ni Janice sa pagtanggi ni John sa kanyang mga paratang?
Sagot ng aktres, “Di ba, natural naman yun? Wala naman yata umaamin, e.
“Pero yung sa akin lang, ayoko na kasing isa-isahin pa.
"Yung sa akin, sige, if you feel the need to know, those documents are public documents. They’re all available in court.
“What I’m talking about, hindi lang naman 'to puro dada.
"Ano namang makukuha ko sa puro dada? All these can be proven by the documents that are public documents in court.”
Sa mensahe ni John na sana ay maging masaya na rin siya, sagot ni Janice: “Masaya naman ako.”
Hindi na rin daw kailangan ng “mediation committee” kahit kapwa sila nasa bakuran ng Kapamilya network.
Ani Janice, “Wala nang mediation. Hindi naman kami nagpapatayan. Di ba?
“Mine is very simple. I’ve said it the other day, it’s very simple. Yun lang naman yun, e.
“Wala naman ‘tong emosyon, wala naman ‘tong other agenda. What I said is very simple.”
Hindi na rin daw niya ikinagulat ang mga naging pahayag ng dating asawa.
Ani Janice, “Expected naman na yun. Expected naman na yun.
“Hindi naman ako masasaktan kasi wala naman akong sinabing masama, e.
"Tsaka simple lang naman yung sinabi ko, di ba? Tsaka wala naman akong sinabing hindi totoo.”
Paano naapektuhan ang kanilang mga anak dahil sa mga pangyayari?
Wika ni Janice, “Like I said many times before, my children and I are very [good.]
“I think sa lahat ng bagay, masasabi ko sa kanila, napag-uusapan namin, at naiintindihan nila kung bakit ganun.”
Hindi rin daw pinagsisisihan ni Janice ang pagsasapubliko niya ng hindi nila pagkakaintindihan ni John.
Sabi niya, “Kaya nga maingat din akong magsalita. You have to think first before you speak.
"Kahit na sinasabi nila na ang bilis ko magsalita, namadali or nabigla ako.
“If you’re used to thinking before you speak, your mind can do that at any point.
“Maingat naman ako. You chose your words, e. You choose the words. Babalik 'yan sa ‘yo.”