PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pokwang on foreigner friend: “Lahat ng tao nararamdaman kung may spark o wala. Wala, e!”

A new teleserye is lined up for Pokwang after her last, Aryana.
by Melba R. Llanera
Published Apr 10, 2013
Walang naramdaman si Pokwang nang magkita sila ng kanyang foreigner friend. Giit niya: “Masaya lang siguro, pero lovelife, wala… di siya nasa listahan ko, wala pa yun. Di pa siya.”

Noon pa sinasabi ng comedienne na si Pokwang na hindi siya nagsasara ng pinto para sa tawag ng pag-ibig.

At tulad ng kapwa komedyanang si Ai-Ai delas Alas, naniniwala siya na darating ang tamang tao sa tamang panahon para sa kanya.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Pokwang sa block screening ng It Takes A Man and A Woman sa Cineplex ng Shangri-La Mall kagabi, April 9, sinabi niyang wala siyang nararamdamang espesyal sa foreigner na inakala ng iba na maaaring “Mr. Right” na niya.

“Naramdaman mo yun, di ba? Lahat ng tao nararamdaman kung may spark o wala. Wala, e!”



DINNER OUT. Kamakailan ay dumating sa Pilipinas ang foreigner na naka-chat at nakilala ni Pokwang sa Internet.

Ano ba ang nangyari sa pagpunta dito ng foreigner? Totoo bang nakapag-out-of-town sila kasama ng anak niya?

Sabi ni Pokwang, “Alangan pigilan ko… hindi ko naman pag-aari ang Pilipinas!

"Hindi ko siya nasamahan at all.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“May trabaho ako at kahit gusto kong sumama, hindi puwede… pasensiya na.

“Dinner lang… the night bago siya umuwi.

“The night bago siya bumalik ng London, nag-dinner kaming tatlo.”



LOW PRIORITY. Ayon pa rin sa komedyana, hindi naman ganoon kataas ang standard niya para sa susunod na lalaki sa buhay niya, pero ayaw naman niyang ipilit kung wala talaga.

“Hindi naman ako choosy, alam ninyo ‘yan.

"Hindi naman ako bumabata, di ba?

“Pag wala, wala talaga. ‘Wag mong ipilit, baka pareho lang kayong mag-suffer.”

Para kay Pokwang ay wala sa prayoridad niya ang lovelife kung hindi pa talaga ito nakatakdang dumating sa kanya.

“Masaya lang siguro, pero lovelife, wala… hindi siya nasa listahan ko.

"Wala pa yun. Di pa siya.”



NEW SERYE. Pagdating naman sa kanyang career ay may nakalinyang gagawing proyekto ang komedyana at isa na rito ang isang teleserye pagkatapos ng Aryana.

“May bagong serye po saka mga pelikulang naka-lineup.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Soon, mag-i-start na… Heto na po kami!” excited na sabi ni Pokwang.

Read Next
Read More Stories About
Pokwang
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Walang naramdaman si Pokwang nang magkita sila ng kanyang foreigner friend. Giit niya: “Masaya lang siguro, pero lovelife, wala… di siya nasa listahan ko, wala pa yun. Di pa siya.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results