Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP.ph. (Philippine Entertainment Portal) kay Heart Evangelista, tinanong namin siya: Sa mga kaguluhan sa personal niyang buhay, sino ngayon si Heart?
“Oh, my gosh!” bulalas muna niya.
“I think I’m a strong person now. I’m a very strong person.
“There are so many things that I went through these past few weeks that, nung umpisa, ang dami ko pang, ‘Bakit ganito? Bakit ganyan?’
“But you know, I learned to suck it in, talagang…
“Nasa department store ako… hindi ko alam kung paano ie-elaborate sa inyo, but may mga kailangang asikasuhin, with my money and everything.
“I have a lot of questions, but I stopped questioning, hininto ko na yun and huminga ako nang malalim, finreeze ko luha ko.
“Sabi ko, ‘God, sige na, para na lang sa Iyo ito.’
“You know, there’s so many things that doesn’t bother me anymore, mga little things. I think I’ve been through so much.
“Feeling ko nga, sa lahat ng mga artista na edad ko, parang ako yata yung pinakamadaming pinagdaanan sa buhay.
“At hindi ako magugulat na mag-ano sila, Magpakailanman, tungkol sa story ko!” ang natatawang sabi pa niya.
Papayag daw siya kung sakaling i-feature sa drama anthology ng GMA-7 ang life story niya.
“Yeah, sure!” bulalas niya.
“I mean, I’m sure you go through all these experiences not just for yourself but to share this lesson with everyone.”
Ito raw ang pinakamasakit na naranasan niya sa kanyang buhay.
“Yeah, oo!”
Biniro naman namin, kasya ba sa isang episode ng Magpakailanman ang mga kaganapan sa buhay niya?
“Hindi, three parts ito!” at muling tumawa si Heart.
MANAGING HERSELF. Manager ni Heart ang ina niyang si Cecile Ongpauco.
Sa finances ba niya ay ito pa rin ang nasusunod? Ito ba ang ayaw niyang i-elaborate kanina?
“Ako na ngayon,” sabi ni Heart.
Dagdag niya, “I don’t know how to say that. Basta nga sabihin mo na lang na ako na lang ngayon.”
Siya na ang may kontrol ng finances niya?
“Oo.”
Paano ang mga negosasyon sa kanyang showbiz career?
“Ako na rin. Or, if minsan, nag-send siya [her mom] ng message.”
Siya na ang nag-aasikaso ng kanyang career?
“Yeah. It’s very hard, but it’s about time.
“I always wanted to, I just didn’t know how to approach it, you know.
“Tinutulungan ako ng sister ko din ngayon, tinuturuan niya ako, si Camille [Ongpauco].
“So all the time I would go to her, may notebook ako, ganyan, may pen.
“Mag-aano siya ng form, ‘Ito ang tawag sa ganito, sa ganyan, this is how you do it, Heart. O, ganyan, gets mo?’
“Tapos iiyak ako, hindi ko maintindihan. ‘O sige, ulitin natin ito, so ganyan…’
“May red ballpen, may black ballpen, nagle-lessons kami ng mga two hours a day.
“I go to her house, tuturuan niya ako ulit, ganyan.”
Masasabi raw ni Heart na mas maganda sa pakiramdam niya na siya na ang may hawak ng kanyang finances.
“Yes, oo! I appreciate things more.
“Ang bawat patak ng luha, ina-appreciate ko.
“Puyat ako, hindi na ako nagrereklamo na pagod na pagod na ako.
“Hindi na, okay na!” sabay tawa niya.
NEXT LEADING MAN. Magtatapos na sa Abril 19 ang Forever, na pinagtatambalan nila ni Geoff Eigenmann sa GMA-7.
Kaya natanong si Heart kung sino naman ang gusto niyang makapareha sa susunod niyang Kapuso project.
“Hindi ko alam.
“Gusto ko ano… kaya lang ang babata nila! Andiyan si Aljur [Abrenica], si Alden Richards, magaling, ha!
“Si Dennis [Trillo] puwede rin, pero nagkapareha na kami ni Dennis.
“But anything or anyone, actually.”
DARING HEART. May bagong pelikula na gagawin si Heart.
“Sa Viva, kasama ko si Derek [Ramsay] tsaka si Cristine [Reyes].”
Daring ang movie?
“Parang.”
Willing daw si Heart na maging daring.
“Gusto ko namang mag-daring. I mean daring na hindi yung malaswa naman or ano.
“In fact, I just recently did a photo shoot for a magazine.”
Hindi raw ito para sa FHM, pero seksi raw ang pictorial na ito ni Heart na lalabas sa May.
“Basta hindi ko muna sasabihin.”
First time daw ni Heart na mag-two-piece in a pictorial. Paano siya napapayag finally?
“Dati pa yun, nung ginawa ko yun, I’m still okay with my mom.
“Hindi siya men’s magazine, para siyang… hindi ko maano, basta maganda.”
Magkabati pa raw sila ng mommy niya nang pumasok ang deal na ito.
“Pero yung shoot was recently.”
Ano ang feeling ni Heart habang naka-two-piece siya sa pictorial?
“Stressed ako!” tawa niya.
“Kasi parang it was like, my situation, I was going out of my comfort zone.
“So I guess timely din siya, but pinanindigan ko na lang.
“I came up with some character in my head na ito yung character ko today, ganyan, kaya ko nagawa.
“But it was good because it’s a really nice magazine.”
Nakatulong ang mga pinagdaanan niya para makapag-project siya nang mabuti sa photo shoot.
“Yes, oo, in fairness!”
Mabuti at pumayag ang boyfriend niyang si Senator Chiz Escudero na magpaka-daring siya?
“Oo, hindi naman siya yung tipong, ‘Don’t do this, don’t do that!’
“Kasi gusto din niyang ma-experience ko yung life ko, e,” sagot ni Heart.
