May pag-asa pa bang magbalikan sina Enzo Pineda at Louise delos Reyes?
“Meron, pero siguro huwag muna ngayon,” sagot agad ni Enzo nang nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Kakambal Ni Eliana noong Miyerkules, April 10, sa 17th floor ng GMA Network Center.
Saad pa niya, “I think we’re better off as individuals first.
“Parang I think, may mga time talaga sa buhay mo na kailangan muna na mag-isa ka... para malaman mo talaga kung ano ang mga importante sa buhay mo or ano yung mga dapat mong gawin, yung mga responsibilities.
“Kasi bata pa kami, e, so marami pang puwedeng mangyari and we still have an open communication. So, which is good.”
STILL FRIENDS. Magkaibigan pa rin ba sila ni Louise?
“Yeah! We do talk parang, ‘Uy! Gusto ko yung show mo,’ ganoon.”
Iniyakan ni Louise ang breakup nila, si Enzo ba ay umiyak din?
“Siguro may mga times talaga na… ako kasi yung taong I try to keep everything to myself.
“Hindi kasi ako ganoon ka-expressive when it comes to my emotions.
“Pero when comes the time na kailangan kong i-express iyon or when it comes to acting, iniyak ko na rin po yun.”
CAREER FIRST. Ginamit ba niya ang karanasang iyon para paghugutan ng emosyon sa trabaho niya bilang artista?
“Opo. I’m happy that I have work, so parang doon ko lang na-express sa sarili ko when it comes to acting.
“Kunwari, may mga crying scenes, at least doon ko napaghuhugutan.”
Career lang daw talaga ang rason ng breakup nila ni Louise, at marami pa silang gustong ma-achieve.
“Opo.”
Walang third party?
“Walang iba.
“And ayun nga, masarap kasing magmahal pag na-achieve mo na yung mga bagay na gusto mo sa buhay.
“Kasi parang hindi mo na iisipin, e, na kasi nakaipon na ako, ang dami nang achievements sa showbiz or sa work.
“So, pag nagmahal ka, di hindi mo na kailangang mag-isip ng mga bagay-bagay, di ba?”
AUDITIONS. Kamakailan ay nagkaroon ang Bubble Gang ng audition para sa mga baguhang nagnanais maging bahagi ng longest-running comedy/gag show na ito ng GMA-7.
Isa si Enzo sa napabalitang sumali sa audition.
Bakit siya nag-audition sa Bubble Gang?
Sagot ng StarStruck alumnus, “Siguro dahil nasanay ako sa acting workshop sa amin...
“Na naniniwala kasi ako sa, if you want something, you have to work for it or kailangan mong paghirapan.”
Ano ang nangyari at hindi rin siya natuloy maging mainstay ng Bubble Gang?
“Hindi po kasi pasok sa schedule ko, e!” ang natatawang sagot ni Enzo.
Hindi ba nasayang lang ang audition niya?
“Gusto ko kasi talaga mag-comedy and I think being part of Bubble Gang is an honor and wala, e, sarap magpatawa!
“Na para maiba naman sa drama, di ba? Para at least you enjoy the best of both worlds—may drama, may comedy.
“And as a person, ganoon ako, e, mahilig akong magpatawa.
“Pero kailangang hindi ko siya pinaplano. Pag plinano ko siya, medyo boring, e.”
Ang kaso nga lang, siya nga ang hindi na pumuwede na maging bahagi ng Bubble Gang.
“Oo nga po, e. E, siguro kung walang ibang trabaho, guesting na lang muna.”
NEW LEADING LADY. Hiningan naman ng PEP ng pahayag si Enzo tungkol kay Kim Rodriguez, na leading lady niya sa Kakambal Ni Eliana.
Sila ni Kristoffer Martin ang leading men ng baguhang Kapuso actress.
Sagot niya, “She’s a professional, I like her work ethics.
“Saka pagdating sa set, parang she really tries to have a rapport with her loveteam, sa amin ni Kristoffer.
“And ganoon din naman kami... para yung chemistry sa trabaho, maganda.
“Kasi, let’s say ako or let’s say si Kim may problema, I really notice that, so may mga times na ako na mismo, ‘Okay ka lang ba?’
“Pag nakikita naman ni Kim na may problema ako, lalapit siya.
“Para pagdating sa set wala na akong iniisip, wala na siyang iniisip na mga problema and ready for work na.
“Ganoon kami... hindi yung parang deadmahan lang sa set, di ba?
“Sayang naman, di ba? Parang it’s part... sayang ang pagpe-prepare for the scene.
“And of course, para… minsan-minsan lang kami magkakasama sa show, so why not make the most of it also.”
May balak ba siyang manligaw kay Kim?
Tumawa muna si Enzo bago sumagot.
Aniya, “Hindi po. Wala rin ako sa lugar manligaw din, e.
“I just came from a relationship, so siguro I need time for myself now.
“You know, got to think of what’s really important for me.
“I’m not saying Louise wasn’t important for me, importante siya sa akin.
“Pero parang yung mga dreams ko sa buhay, or I mean, what I want in life... mga goals na kailangan kong ma-achieve, parang kailangan ko muna siguro tuparin.
“And actually this year, seryoso talaga ako sa trabaho ko. If I want something, I really go for it.
“Nag-audition ako sa Bubble Gang, mahilig akong mag-audition even though before I don’t like it.
“But I really try to. Kasi para sa akin, basta mabigay ko yung one hundred ten percent ko in everything, wala akong pagsisisi, okay na ako doon.”
NON-SHOWBIZ. Balita namang ayaw ni Kim ng boyfriend na artista. Ano ang masasabi ni Enzo dito?
“A... ewan ko. Nasa sa kanya naman yun, e.
“Pero from my experience, hindi mo naman mapipigilan ang sarili mo pag nagmamahal ka na.
“That’s her opinion, pero tingnan natin, balang-araw, di ba? Baka meron din siyang makilala na magugustuhan niya.
“So kailangan tanggapin mo sa sarili mo, accept mo lang.
“Kung mahal mo ang isang tao, tanggapin mo, di ba? Ganoon lang naman, e.
“Tao lang naman tayo, kahit sabihin ko, ako nagpo-focus ako sa trabaho ko, minsan hindi mo maiwasan sa ibang tao, may tsansa baka ma-in love ka rin.
“So, just let it happen, huwag mong pipilitin.”
RIVALRY. Sa Kakambal Ni Eliana, gumaganap si Enzo bilang Julian; si Kristoffer naman ay si Gabo at mag-aagawan sila kay Eliana played by Kim.
Ito na ba ang pagsisimulan ng professional rivalry nila ni Kristoffer?
Sabi ni Enzo, “Well, me and Kris are good friends. Actually, close kami.
"Minsan nga, nagdo-DOTA [computer game] pa kami pag wala kaming magawa.
“Tapos, wala. I think it’s a healthy competiton for the show and I think the show will benefit from it.
“Pag in character kami, doon lumalabas ang competition kasi kami yung magkaribal talaga, e.
“Lumalabas talaga iyon, pero off-cam, magkaibigan kami.”
Wala talagang sapawan?
“A, wala naman. Ako, sumusunod lang ako kung ano ang gusto ng direktor, siya rin.
“Pero of course, definitely may mga away na eksena, mga sapakan. Ganoon.
“Hindi naman sapawan yun, pero you have to level with the energy or taasan mo pa para mas gumanda ang mga eksena.”
Ano sa tingin ni Enzo ang lamang niya kay Kristoffer?
“Lamang ko? Siguro… I don’t know, pero para sa akin parehas naman kaming magaling na aktor.
“I respect him as an actor dahil he has his own style of acting which I cannot explain also.
“But all I can say is, I also work hard for my character.
“Para sa akin ano, e, parang… blood, sweat, and tears ako dito...
“Na hindi ako papayag na masabi ko sa sarili ko na hindi ko ibinigay yung best ko.
“Actually, sa mga eksena ko sa show, rarely akong makuntento sa mga eksena ko because I always think that there is something more that I can give.
“Pero kung okay na sa mga staff and everything, good!
“Pero I like this attitude, e, para it doesn’t… learning doesn’t stop for me.
“Na lagi akong estudyante and I always want the best for me and I always want more.
“Kung ano yung actor ako yesterday, I want to be better than that.
“First time nangyari sa buhay ko na ganito ako, e, pero parang I like this attitude na seryoso.
MATURE ROLES. Gusto na ring magbago ng image si Enzo sa pamamagitan ng pagganap ng mga mature roles.
Sabi niya, “I think it’s time for me also na, you know, to stop with the... yung mga pa-cute-cute.
“Yung teen drama... hindi na pa-smile-smile lang lagi, di ba?
“Para at least the people will see the sensitive side of me na hindi pa nila nakikita.”
