PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gardo Versoza confronts Alice Dixson about her behavior on the set of Never Say Goodbye

Gardo to Alice: "Siguro bilang artista, dapat aware tayo kung nakakasakit na pala tayo."
by William R. Reyes
Published Apr 13, 2013
Sa kanilang paghaharap sa taping ng Never Say Goodbye kahapon, ipinahatid ni Gardo Versoza ang sama ng loob niya kay Alice Dixson dahil sa inaasal diumano nito sa set.

Nagkaroon ng bahagyang tensiyon sa set ng Never Say Goodbye kahapon, April 12, nang magharap off-camera ang dalawa sa major cast ng ongoing TV5 priemtime series na sina Gardo Versoza at Alice Dixson.

Ang taping ay ginanap sa Himlayang Pilipino Memorial Park sa Tandang Sora, Quezon City.

Bandang pasado ala-singko ng hapon, habang naghihintay ng actual take, ay namataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nilapitan ni Alice ang dakong kinauupuan ni Gardo, na noo'y kausap si Nora Aunor na kanyang kaeksena.

Sa loob ng Himlayang Pilipino chapel, na nasa gitna ng memorial park, ang eksenang kukunan.

Mauunang kunan ang sequence involving Alice and young actress Sophie Albert.

Ang paglapit ni Alice sa kinaroroonan nina Gardo at Ate Guy at pakikipag-usap sa actor ay may pinag-ugatang isyu.

May kinalaman ito sa naging reklamo ni Gardo sa ilang nakaraang tapings nila ni Alice, kung saan ipinagpapalagay ng aktor na naging "personal" ang pag-atake ng aktres sa kanyang role bilang si Criselda, ang kontrabida at katunggali ng tauhang ginagampanan ni Gardo (as Dindo).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May nabanggit si Gardo na tendency ng pagiging "bayolente" diumano ni Alice, tulad sa eksenang kumprontasyon nila na inihagis ng aktres ang mesa sa harapan ng aktor, na mabuti't nakailag at hindi nasaktan.

Pero nagbunga iyon ng pagka-stress sa aktor na ikina-confine pa niya sa ospital kamakailan.

Hindi nalalayo ang sitwasyon sa naisatinig ding reklamo ng isa pang aktres ng serye na si Rita Avila.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa mga sitwasyon nina Gardo at Rita ay si Alice ang naging "common attacker" kaya unang nagpahayag ng layuning pakikipag-ayos si Alice kay Gardo sa paghaharap nila sa taping kahapon.



THE "CONFRONTATION.” Nasa di-kalayuan ang PEP nang sandaling lumapit si Alice kay Gardo at nagsimula ang kanilang pag-uusap o "mild confrontation" na hindi naman within hearing distance ng lahat.

Nasa tabi ni Gardo ang Superstar na si Nora at matamang nakinig.

"Is there anything wrong with me?" unang tanong ni Alice, as she took the seat in front of Gardo and Ate Guy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Walang patumpik-tumpik na sinagot ni Gardo ang nagtanong na aktres.

"Yes," sabi niya.

"Ano ‘yon?" tanong uli ni Alice.

Agad ding nagpahayag si Gardo nang malaon na niyang gustong sabihin sa aktres.

"Like, kasi sa scene, parang hindi naman yata tama na sinipa mo pa [sa harapan ko] yung table, e, hindi naman natin ginawa yun nung unang take.

"Okey lang kung sasabihin mong nadala ka sa unang eksena, sa role mo, kasi yun ang character mo.

"Pero para pagkatapos ng scene, magmumura ka pa, hindi rin tama ‘yon," prangkahang sabi ni Gardo.

At bilang paghingi ng pagsang-ayon, sabi ni Gardo sa katabing si Ate Guy, "Di ba, Mare?"

"Oo naman," pagsang-ayon ni Ate Guy. Pero nanatiling tahimik ang Superstar sa gitna ng pag-uusap dahil hindi siya ang direktang involved sa isyu ng dalawa.

Sa tinutukoy na taping nina Gardo at Alice, ilan pang witness sa set ang nagsabing nagbitiw ng mga salitang "Ulol!" at "You're crazy!" si Alice sa dalawang magkahiwalay na instances, matapos ang eksenang heated confrontation sa pagitan ng mga ginagampanan nilang karakter.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ganun din, more or less, ang naging reklamo ni Rita nang sabi nito'y nagtungayaw pa si Alice matapos na mag-“Cut!” ang kanilang direktor na si Mac Alejandre.

Na-offend daw si Rita sa ginawang iyon ni Alice, pero si Gardo ay sumagot ng: "We're all the same!"



ALICE'S DENIAL. Sa binanggit ni Gardo ay pagpapabulaan ang isinagot ni Alice.

"Oh, really? Sinabi ko ba ‘yon?" tanong niya kay Gardo.

Buwelta ng aktor, "Yes! And it's recorded. Gusto mong i-check?"

Nakunan ng video camera ng partner ni Gardo na si Ivy Vicencio ang naturang eksena ng wari'y bayolenteng pagtugon ni Alice sa isa sa mga matitinding confrontation scenes ng kanilang characters.

Naisahimpapawid na sa Never Say Goodbye ang eksenang iyon.

Patuloy ni Gardo, bilang pagpapa-enlighten kay Alice, "Artista tayo, e.

“I mean, marami namang paraan para maayos ang acting o gumanda ang eksena.

"Pero yung mga ganyan, e, hindi naman dapat..."

Sa puntong ito ay nagpahayag ng munti niyang saloobin si Nora.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, "Hindi naman dapat umabot sa totoong sakitan ang eksena o kahit sa pagmumura.”

Nagbigay rin ng opinyon si Gardo hinggil sa naging kaso between Alice and Rita.

"Yung sa inyo ni Rita, wala na ako doon... issue n'yo yun, e.

"Hindi ko panghihimasukan yung sa inyo ni Rita, pero bilang kapwa-artista, concerned din ako.

"Pero sa akin, siguro bilang artista, dapat aware tayo kung nakakasakit na pala tayo."

Sa puntong ay malapit nang simulang kunan ang eksena kaya natapos na rin ang masinsinang pag-uusap ng dalawang Never Say Goodbye main cast.

Bilang closure of sorts sa issue nila, nagtanong si Alice: "So, we're okay na?"

Ang sagot lang naman ni Gardo: "Well..."

At sabay-sabay nang tumayo ang tatlo para sa kani-kanilang posisyon sa kukunang malaking eksena.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kanilang paghaharap sa taping ng Never Say Goodbye kahapon, ipinahatid ni Gardo Versoza ang sama ng loob niya kay Alice Dixson dahil sa inaasal diumano nito sa set.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results