Feeling confused about her lovelife, Janine Tugonon breaks up with her boyfriend of one year. She explains, “Kasi nga ayaw ko naman na may iba akong iniisip. Parang sabi ko lang sa kanya, siguro I need sometime to think talaga.”

In this photo, Janine was pictured with The Script lead vocalist Danny O'Donoghue, who was one of the reasons of her misunderstandings with non-showbiz boyfriend Jaypee Santos.

Photo: Nimfa Chua (main), screenshot from Kris TV (inset)

Bagamat break na sila, kasama pa ring nag-guest ni Miss Universe 2012 1st runner-up Janine Marie Tugonon ang ex-boyfriend niyang si Jaypee Santos sa Kris TV kaninang umaga, April 16.

Nagulat ang mga host ng show na sina Kris Aquino at John “Sweet” Lapus nang iminin ni Janine ang tunay na estado ng relasyon nila ni Jaypee.

Habang nagluluto ng tinola katabi si Jaypee, tinanong ni Kris si Janine: “Nag-aaway ba kayong dalawa?”

Hindi naman nagdalawang-isip si Janine at sinabing, "Actually, honestly ngayon, we are not in good terms.”

Tanong ni Kris: “What happened?”

Sagot ni Jaypee, “May mga hindi lang napagkakasunduan.”

Dugtong naman ni Janine, “Siguro may nangyari lang na hindi ko ini-expect na mangyayari.”

WOOED BY THE SCRIPT LEAD VOCALIST? Pagkatapos nito ay tinanong ni Kris kung totoo ang balitang nililigawan si Janine ng lead vocalist ng bandang The Script na si Danny O’Donoghue.

"Hindi ko ‘yon type! Parang we’re talking lang,” sagot ng 23-year-old beauty queen.

Dahil dito, tinanong ni Kris: “’Yon ang pinag-awayan ninyo?”

Sagot ni Jaypee, “Oo.”

Agad namang depensa ni Janine, “Pero ano naman 'yan... spur of the moment lang."

At saka inamin ng beauty queen na, “Honestly po kasi, break talaga kami ngayon [ni Jaypee].”

Sa sunud-sunod na pagtatanong nina Kris at Sweet, nabanggit ni Jaypee na hanggang ngayon ay nag-uusap pa rin si Janine at ang vocalist ng The Script.



“I NEED SOMETIME TO THINK.” Ayon kay Janine, nakilala niya ang Irish singer-songwriter nang mag-concert ang kanilang banda rito sa Pilipinas.