Walang kaso para kay Arthur Solinap kapag sinasabing nasa anino siya ng pinsan niyang si Dingdong Dantes. Sabi niya, “Akala nga nila, naiinis ako kapag sinasabi nilang 'si Arthur, pinsan ni Dong…' palaging may karugtong na ganoon. Para sa akin, hindi.”

Photo: Noel Orsal

Ibinida ni Arthur Solinap sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pakikipagtrabaho niya sa veteran actress na si Celia Rodriguez sa upcoming series ng GMA-7 na Home Sweet Home.

Saad niya, “Nakadalawang taping na ako at first time kong makatrabaho si Tita Celia.

“Nakatrabaho ko na siya sa I Heart You Pare, pero hindi kami magkaeksena.

“Pero ito kasi, sidekick niya kami, di ba? 

"Medyo noong una, natakot ako, siyempre Tita Celia, bawal magkamali!

“Pero noong nakilala ko siya, ang bait. Gina-guide niya kami ni Patricia [Ysmael].

“Doon ko na-feel na ang sarap palang katrabaho ni Tita…

"Parang imbes na hayaan ka niya, tutulungan ka niya. Then, nawala ang takot ko.

“Tapos, nasa isang tent lang kami, may konting bonding, doon ko nakilala lalo si Tita Celia.

“Kaya ngayon, medyo kumportable na ako sa kanya.”

Nakausap ng PEP si Arthur sa presscon ng Home Sweet Home kagabi, April 16, sa GMA Network Center.



COMEDY ROLE. Masaya naman si Arthur sa bago niyang teleserye dahil kakaiba raw ang role niya dito.

Sa istorya ng Home Sweet Home, kasama siya sa mga na-trap sa salamin noong taong 1940s or 1950s.

Kahit 2013 na, hindi pa rin sila nakakalabas kahit na may nakapasok nang ibang tao.

Sabi niya, “Medyo nasasanay na rin ako sa comedy kaya para sa akin, hindi mahirap.

“Sobrang gaan, masaya—nag-e-enjoy lang, hindi mabigat.”