PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gloria Romero on retiring from acting: "Unless there are still some roles for me, then I would like to continue."

Gloria on her role in Forever: “It is something that I haven’t done before in my sixty-two years in the movies.&rdq
by Rommel R. Llanes
Published Apr 17, 2013
Bilib daw si Gloria Romero sa mga nakakatrabaho niyang young stars. Sabi ng beteranang aktres, “They are very professional, professional sila when they come, they know their lines. Everybody knows their lines, and they have so much respect for the senior stars.”

Hindi na binibilang ng beteranang aktres na si Gloria Romero ang eksenang kinukunan sa kanya sa taping ng GMA-7 afternoon soap na Forever.

“Hindi ko na binibilang, basta take na lang nang take!” ang natatawang sabi ng respetadong aktres sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Inilarawan pa ni Gloria ang kanilang taping ng Forever, na magtatapos na sa Biyernes, April 19.

“Ay, masaya... mahirap kung minsan because malalayo rin ang ibang mga location.

"Pero nakaka-enjoy naman, lahat kami ay nag-enjoy.”

Malungkot din daw ang aktres dahil tapos na nga ang kanilang taping.

Kung siya ang tatanungin kung paano tatapusin ang Forever, ano ang isasagot niya?

“Ako nga, I don't how to end it myself kasi matanda, yung isa bata, papaano ba yun?” ang natatawang sabi ni Gloria.

Sa kuwento kasi, bumabata si Adora (Gloria) at nagiging si Isadora (Heart Evangelista) na minamahal naman ni Patrick (Geoff Eigenmann).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



LIKENESS. In a way, nakikita raw ni Gloria ang sarili niya kay Heart noong kabataan niya.

“Alam mo, I never realized until nagsama kami na sabi sa akin... even Marichu Maceda, sabi niya sa akin, ‘Alam mo, Glo, kayong dalawa ni Heart, nagkakamukha na.’

“’Oo!’ sabi niya. Nice to hear that, ‘no?

“Kasi, pili sila nang pili, ‘Sino kaya ang young [Gloria]? Finally, si Heart nga ang napili, ‘Oo nga ano? Bagay!’”



INTRIGUING. Sa haba at tagal na ni Gloria sa industriya, aling project ang pinaka-fulfilling sa kanya?

Sagot ng dating Sampaguita contract star, “To be honest with you, the two [Munting Heredera at Makapiling Kang Muli] that I made are two different roles and, amazingly, this one is even more intriguing.

“It is something that I haven’t done before in my sixty-two years in the movies.

“Kasi it’s very ano, e, ibang klase, e. Hindi ko... it’s hard to explain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I think the people should watch it so they would understand.

“Kasi ngayon lang ako nag-portray ng ganoon, na I’m an old woman and then here comes a young girl because of the orasan, the clock.

“And para sa akin, it’s a mysterious love affair nila, di ba? And true love talaga.

“Yung kanilang pag-iibigan, talagang tunay.

"As it says there, the promise of love is a promise of forever.”



MORE CONTRACTS. Per project ang kontrata ni Gloria sa Kapuso network.

“Actually I signed another, one more after this—per show.

“Of course they make you sign contracts, di ba? For security nila, at sa akin din.

“But hindi yung ten years or five years, per project.

“Okay lang... they’re very nice and they’ve been good to me, wala akong complaints.

“It’s nice that I tried another network... maganda, para naman ma-experience ko.”

Bago kasi sa GMA-7 ay mahabang panahon na napapanood sa ABS-CBN ang beteranang aktres.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kahit sa TV5 ay nakapagtrabaho na raw siya.

“Yes, I made a guesting, once lang sa Face To Face.

"Ngayon lang ako sa GMA, e.

“In ABS, I’ve been there for twenty-four years! It’s a long time!” ang natatawang sinabi pa ni Miss Gloria.

“Kami ang nag-umpisa doon, e. Pagbukas, nandoon na kami sa Palibhasa Lalake so para na akong kumbaga, e, pioneer.

“Ganoon din, I had so much fun. I made so many movies, I made so many teleserye...

“Pero ngayon lang ako gumawa ng something like this [Forever], nag-enjoy ako, it’s something new.

“Wala naman akong mairereklamo because lahat naman ng ibinigay sa akin, magaganda, e. Magaganda lahat, nakakatuwa.”

Wala rin daw siyang nakikitang pagkakaiba sa lahat ng mga TV stations na pinagtrabahuhan niya.

“It’s almost the same, ganoon din. Ang mga taping days, ganoon din.”



PROFESSIONALS. Puring-puri naman ni Gloria ang mga young stars ngayon.

“The young stars that I work with, ang suwerte ko nga, imagine nakakasama ko sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“All kinds of stars, ang mga youngs stars na bini-buildup ngayon.

“They are very professional, professional sila when they come [to the set], they know their lines.

“Everybody knows their lines, and they have so much respect for the senior stars.

“Wala kong masasabi na cause of delay sila, you know.

“The working conditions are very nice,” saad pa niya.

Magaganda raw ang karanasan niya working with the young generation of stars ngayon.

“Oh, yeah! Alam mo marespeto sila lalo na sa mga senior citizens.

“Wala akong na-encounter na mayabang o walang respeto, wala, kaya enjoy na enjoy ako.

“Lalo na when I was doing Munting Heredera, maliliit na bata, malayo pa ako tatakbo na sila, inaakay nila ako.”



LIFE STORY. May nag-alok na bang gawing pelikula ang buhay niya?

“No, wala pa.”

Papayag ba siya kung saka-sakali?

“I’ll think about it pag dumating ang panahon na iyon. Well, it depends siguro kung hanggang saan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga pangyayari raw sa buhay niya na hindi na lang niya ipapakita sa publiko dahil masyado nang personal.

Papayag ba siya basta may say siya sa script?

“Maybe.”

Si Heart ba ang gaganap bilang siya, if ever?

“Why not?”

Bukod kay Heart?

“When they used to ask me kung sino ang bagay, I had two people in my mind—si Carmina Villarroel or kaya yung medyo nakikita ko si Lucy [Torres-Gomez].

“Yung dalawa na yun and si Heart din, tatlo na sila!”



STILL ACTIVE. Aktibo pa rin si Gloria bilang artista.

“Oo, parang ayokong mag-resign pa, ‘no?” at muling tumawa ang 79-year-old actress.

Naiisip naman daw niya paminsan-minsan na mag-retire na.

“Sometimes, sometimes... Unless there are still some roles for me, then I would like to continue [to work].”

Gusto ba niya na may kasunod agad ang Forever o pahinga muna siya?

“Okay lang kung pahinga muna or trabaho agad, okay lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang mga nakakatrabaho ko naman, lahat sila mabait, like si Miss Kaye [Cadsawan, Forever’s executive producer], they’re so nice, they’re so adorable.

“Inaalagaan nila akong mabuti. Ayaw nila akong napapagod, they’re all so nice, wala akong reklamo.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bilib daw si Gloria Romero sa mga nakakatrabaho niyang young stars. Sabi ng beteranang aktres, “They are very professional, professional sila when they come, they know their lines. Everybody knows their lines, and they have so much respect for the senior stars.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results