PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Die-hard John Lloyd Cruz fan Arjo Atayde declares: "Ito ang pinakamagaling na artista, e."

Arjo loves acting so much, he can do it for free.
by Rommel R. Llanes
Published Apr 17, 2013
Para kay Arjo Atayde, si John Lloyd Cruz ang pinakamagaling na aktor. “Kapag may sinasabi si Mommy na itong si Ganito, magaling. Sasabin ko, ‘Ma, hindi. Mas magaling pa rin si John Lloyd. Para sa akin, wala nang makakatalo sa kanya sa acting,” deklara ni Arjo.

“Kung merong isang artista na hindi kailangang bayaran—that’s me!”

Iyan ang pahayag ni Arjo Atayde sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang reporters sa kanyang pocket presscon na ginawa Luxent Hotel, Timog, Quezon City noong Linggo, April 14.

Ang pangungusap na ganito yung tipong makakakuha agad ng atensiyon ng kahit na sinong movie producer, lalo na yung gumagawa ng mga proyekto on a tight budget.

Pero hindi dapat samantalahin o maliitin ang ganitong pahayag ni Arjo.

Patunay na hindi pipitsuging pagganap ang puwedeng ilabas ni Arjo ay ang magagandang review sa mga nilabasan niyang proyekto tulad ng E-Boy at ang Maalaala Mo Kaya episode na “Bangka,” at ang pagkapanalo niya sa PMPC Star Awards for TV last year sa kategoryang Best New Male TV Personality ilang buwan na ang nakararaan.

Paliwanag naman ni Arjo tungkol sa pahayag niya, “First of all, talagang gustung-gusto ko ang ginagawa ko.

"First, I like what I’m doing; second, I enjoy… parang naglalaro lang ako, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"On the set? Para lang akong naglalaro. Hindi ko iniisip na trabaho, e.

"Para lang talaga akong naglalaro.”

Kuwento pa ng 22-year-old Dugong Buhay actor, “I loved it [pag-aartista] from the very first start. When I actually was thinking straight na, since I was seven.

“Ever since. Hindi na nawala sa akin yung pagmamahal sa pag-acting.”

Nagsimula ang hilig ni Arjo sa pag-arte nang mapanood ang drama series na kinabibilangan ng kanyang inang si Sylvia Sanchez noon, ang Esperanza.

Sumasama raw siya noon kapag may taping si Sylvia. At kapag uwian na, kinukuha ni Arjo ang script ng ina, binabasa ito, at ginagaya ang mga linya ni Judy Ann Santos.

Nagustuhan niya noon ang pag-arte ni Juday, lalo na sa mga eksenang iyakan.

“Without them knowing, ginagaya ko si Ate Juday, umiiyak din ako.

“Nung time pa lang na yun, gustung-gusto ko nang mag-artista.”

Nang makita raw ng mommy niya ang hilig niya sa pag-aartista, pinangakuan siya nito na pag-aartistahin siya pagsapit niya ng high school.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero pagdating ko po ng high school, sabi ni Mommy, 'College na,' pagka-college ko na.

“So, nainip na naman ako.”

Nang pagsapit niya ng college, siya na mismo ang gumawa ng mga hakbang upang matupad ang hangarin niyang maging artista.

“Nag-audition ako nang nag-audition sa ABS [-CBN], hindi ako natanggap.

“[Sa edad na] 14, 16, 17, 19… four times akong bumalik. Tapos nawalan ako ng gana. Hindi pa rin [ako natanggap].”

Hindi raw ipinaalam ni Arjo na anak siya ni Sylvia Sanchez, na nung mga panahong iyon ay kinikilala na ring isang mahusay na aktres.

At nang malamang anak siya nito, wala raw siyang espesyal na atensiyon o special treatment na nakuha.

“Wala. Ayoko. Ayaw pa rin akong kunin. So, sumama ang loob ko.

"Sabi ko, ‘A, wala na ‘tong pag-asa na makapasok.'

"I was just thinking of the business side. Parang family business na lang [ang aasikasuhin ko].”

Doon na raw sana nakatutok ang atensiyon niya, lalo na’t alam ng kanyang pamilya na magagamit niya sa family business ang kurso niyang entrepreneurship mula sa The One School ng Makati.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa katunayan, tutol nga ang pamilya niya na mag-artista siya.

Kaya lang, iba talaga ang hatak sa kanya ng showbiz, ng pag-arte sa harap ng kamera.

Sabi ni Arjo, “Then, eventually, nagka-workshop and everything. Public workshop by ABS, kahit na sino puwedeng sumali. So, nag-workshop ako.”

Sa culminating activity ng workshop, ipinalabas ang videos ng performances ng mga sumali.

Napanood daw ng parents niya at pati ng ABS-CBN executives ang mga performances at isa sa mga nakapanood ay ang Star Cinema managing director na si Malou Santos.

“Ibinigay sa akin yung role ni Coco Martin in some teleserye na nagwawala.

“Siguro naman po, I got to pull it off kasi from there, nakita ni… actually si Ms. Malou Santos talaga ang tumanggap sa akin.”

Nakita raw ni Ms. Malou ang performance niya at after a month, kinuha siya para sa E-Boy.

Mula sa teleserye na iyon at sa edad na 20, marami na ang nakapansin na may lalim ang pag-arte ni Arjo. May potensiyal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman ito ikinalaki ng ulo ni Arjo at sa katunayan, sa tingin niya’y marami pa siyang dapat na matutunan.

Kaya’t bukod sa pag-aaral sa kanyang mga ginagampanang character, tulad ng role niya ngayon sa Dugong Buhay bilang Rafael de Lara, kumukuha rin siya ng inspirasyon mula sa idolo niya sa pag-arte—kay John Lloyd Cruz.

DIE-HARD LLOYDIE FAN. Aminado si Arjo na fan na fan siya ni John Lloyd at may koleksiyon pa siya ng DVD ng mga pelikula nito.

“Idol ko po talaga iyon. Ever since… Tabing Ilog pa lang…

“Every movie… yung One More Chance, A Very Special Love…

Patunay na fan na fan daw siya ni John Lloyd ay ang panonood niya ng bawat pelikula nito sa first day pa lang ng showing.

“Actually, si Mommy, pag may bagong movie si John Lloyd, pagkauwi ko, ako ang unang tatanungin niya.

“Kasi alam niyang first day pa lang, pagkalabas ng movie, papanoorin ko na agad iyon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May isang pagkakataon pa nga raw na nagkainisan sila ng kanyang ina nang umuwi siya mula sa isang out-of-town vacation nung Holy Week.

Pagdating niya raw kasi sa airport, agad niyang tinawagan ang driver nila para sunduin siya, pero hindi para ihatid sa bahay nila.

Tinawagan daw agad siya ni Sylvia at tinalakan.

“’Saan ka naman magpupunta? Maglalakwatsa ka na naman? Hindi. Umuwi ka rito, magpahinga ka muna!’” sabi raw sa kanya ng ina.

Sagot niya naman, “’Hindi. Hindi puwede. Manonood ako ng movie ni John Lloyd. It Takes A Man And A Woman. Nang tumama ng Monday [ang showing], sinabi ko, ‘I will go and see it.’

“Wala akong pakialam kung pagalitan ako, pupunta akong sinehan.

"So, from the airport, dumiretso ako ng Greenhills, nanood ako ng pelikula.”

Hindi na raw siya tinalakan ni Sylvia nang malaman kung ano ang gagawin niya dahil alam daw nito na die-hard fan siya ni John Lloyd.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Biniro tuloy siya ng mga kausap na reporter na baka naman crush niya si John Lloyd.

Ikinangiti na lang ito ng binata at itinangging bakla siya. Fan na fan lang daw talaga siya ng galing ni Lloydie sa pag-arte.

“Every time na nagkikita kami, nai-starstruck pa rin ako.

"Siya lang yung artista na pag nakikita ko, talagang, ‘Huh!’ Nagugulat pa rin ako,” pag-amin pa ni Arjo.

Para sa kanya, si John Lloyd ang pinakamagaling na aktor sa Pilipinas.

“Kapag may sinasabi si Mommy na itong si Ganito, magaling. Sasabin ko, ‘Ma, hindi. Mas magaling pa rin si John Lloyd.'

“Para sa akin, wala nang makakatalo sa kanya sa acting,” deklara ni Arjo.

Ano ba ang nakita niya kay John Lloyd para maging idolo niya ito sa pag-arte?

“Actually, sa Tabing Ilog, from what I’ve heard—kasi nung Tabing Ilog, bata pa po ako nun, e—na-notice na agad yung potential niya, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, from there, sabi ko sa utak ko, as a kid, ‘Parang ang galing nito.’

“Tapos nag-trigger siya, of course, sa phenomenal na movie which is One More Chance.

“Yun ang nagsabi sa akin na, ‘Sabi ko na nga ba, ito ang pinakamagaling na artista, e.’”



JOHN LLOYD CLONE? May mga nagsasabi na sa hitsura niya, nakakahawig na nga raw niya si John Lloyd, lalo na sa ayos ng buhok niya ngayon.

Kaya’t tanong ng PEP, okey lang ba sa kanyang mabansagang “clone” ni John Lloyd?

“Hindi naman sa maging clone. Pero siyempre, magkaiba naman kami. Gusto ko rin na makilala bilang ako.

“Pero, of course, kahit na anong mangyari, yung mga achievements niya, if ever na ma-achieve ko as an artist, sobrang layo pa. Sobrang taas na niya. He’s too high to reach.

“Pero, of course, one of these days… For me, as an artist, as a fan, I wanna be like him.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I know na sobrang hirap din ma-reach yung mga ganun.

“Maybe by luck, or by blessings, ma-reach ko yun.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Para kay Arjo Atayde, si John Lloyd Cruz ang pinakamagaling na aktor. “Kapag may sinasabi si Mommy na itong si Ganito, magaling. Sasabin ko, ‘Ma, hindi. Mas magaling pa rin si John Lloyd. Para sa akin, wala nang makakatalo sa kanya sa acting,” deklara ni Arjo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results