Matindi ang pag-eensayo ngayon ni Angelika dela Cruz dahil sa April 28 na ang pinakamalaking competition niya sa triathlon, kunsaan lalangoy siya sa dagat sa Subic.
Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Open water na kasi, dagat na.
"Like kahapon, nag-swimming ako sa ACE Water Spa ng 6 p.m.
“Dire-diretso yun, kumain lang ako ng salad, tapos tumakbo ako ng dalawang oras sa UP.
“Nag-start akong tumakbo, 9:30 p.m., natapos ako,11:30 p.m.
"Tapos uwi, ligo.
“Pero siyempre, hindi ka agad makakatulog kasi may adrenaline ka, may endorphine ka.
“Pero kaninang alas-kuwatro, gising na ako at tumakbo ako sa Nuvali. Kaya ang aga ko dito sa pictorial.”
Nakausap ng PEP si Angelika sa pictorial ng ilang PPL talents sa Rancho Gonzalez sa Batangas noong Linggo, April 14.
POLITICS. Samantala, hindi pa raw nakakalimutan ni Angelika ang pulitika at ang posibilidad ng pagsali rito.
Sabi niya, “Alam ninyo, pangarap ko yun, bata pa lang ako.
“Pero ayoko ng pumapasok sa isang bagay na hindi ko nabibigay ang one hundred percent… gusto ko, e.
“Tingnan mo ang triathlon ko, ang tagal na akong inaaya ni Orion [Casareo, her husband], pero hindi ko nagagawa kasi ayoko ng papetiks-petiks.
“Noong pumasok ako, talagang this is it—lifetime ito!”
“HOT MOMMA.” Marami na ngayon ang sa mga artistang babae na kahit mommy na ay nagpo-pose pa rin sa ilang men’s magazine, tulad ng FHM.
Naitanong ng PEP kay Angelika kung posible rin niyang gawin ito.
Sabi niya, “Okay lang naman siguro, sa Instagram nga ang daming nag-aano sa akin na, 'Mag-pose ka naman sa FHM.'”
Payag siya?
“Depende siguro, depende sa concept.
"Hindi ako puwede sa nakalabas ang puwet.
“Two-piece, okay lang, kasi swimwear naman yun.”
Papayag naman kaya ang mister niya?
“Ewan ko!” natawa niyang sabi.
Hindi ba nila napag-uusapang mag-asawa ang ganitong posibilidad?
“Pang-asar ko lang sa kanya. Pero siguro, papayag naman siguro yun basta tame lang… depende talaga sa concept.”
Gusto niya ang ideya na matawag din na “hot momma?”
“I don’t care, wala akong pakialam!” natatawang sagot ni Angelika.
