Nagbigay na ng ilang detalye si Kris Aquino tungkol sa magaganap na church wedding nina Ai-Ai delas Alas at Jed Salang. Sinabi ni Kris sa kanyang pang-umagang programa na sa December 8 magaganap ang kasal sa simbahan ng komedyana at ng asawa nito.

Photo: Instagram / Noel Orsal

Sinabihan na raw ni Ai-Ai delas Alas ang kaibigang si Kris Aquino para maging maid of honor sa pinaplanong church wedding in December ng komedyana at ng asawa nitong si Jed Salang.

Matatandaang nagkaroon ng “secret wedding” sina Ai-Ai at Jed sa Las Vegas, Nevada last April 3, kung saan mangilan-ngilang close friends lang ng dalawa ang nakaalam nito.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa episode ng morning program ni Kris sa ABS-CBN na Kris TV kahapon, April 18, masayang ibinalita ng TV host-actress na ang kanyang anak na si Bimby ay magsisilbing ring bearer sa church wedding nina Ai-Ai at Jed.

Kuwento pa ni Kris, "Doon sa church wedding na 'yon, I am so excited kasi sabi niya [Ai-Ai], 'Oy, mag-maid of honor ka na lang?'

“Sabi ko, 'Wow, bongga! Ayaw mo ba si Ate [Ballsy Aquino-Cruz]?'

“Sabi niya, 'Matron of Honor ‘yon."

Dagdag pa ni Kris, bahagi rin daw ng entourage nina Ai-Ai at Jed sina Eugene Domingo at Sharon Cuneta.

Kinukuha rin daw sana ni Ai-Ai ang kapatid ni Kris na si President Noynoy Aquino, pero naging balakid dito ang tungkol sa paniniwala pa rin nila sa mga pamahiin.

Kuwento ni Kris, "Kinukuha niyang maging ninong si PNoy sana.

“E, ang problema pala, I didn't know this na may pamahiin pala na kapag hindi ka pa ikinakasal, huwag kang papayag na mag-ninong or ninang sa kasal.

“Kasi ikaw mismo, never ka na... hindi makakasal. So yun na 'yon."

Hanggang ngayon kasi ay binata pa rin si Pnoy.

Pagbabahagi pa ni Kris sa co-host niya sa episode na si John Lapus, "Tapos si Noy ang nagsabi sa akin na 'Cannot be, tell her anything else huwag lang 'yon.'

“Sabi ko, 'Uy, umaasa pang ikasal!’"



PRENUP AGREEMENT. Kinumpirma rin ni Kris sa kanyang programa na may prenuptial agreement sina Ai-Ai at Jed.