PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Comedienne Chariz Solomon is two months pregnant

Chariz reveals her craving for fruits
by Ruel J. Mendoza
Published Apr 20, 2013
Chariz on her willingness to gain weight during her pregnancy: “Ngayon may rason na para tumaba, di ba? Okey lang na mawala muna ang figure ko. Pero sinasabi nga nila, mukhang hindi raw ako tataba kahit buntis ako. Iba raw kasi ang built ng katawan ko. Pang-payat daw talaga.Kung mag-gain man ako ng weight, mabilis naman daw ako papayat.”

Dalawang buwang buntis na ang Kapuso comedienne na si Chariz Solomon kaya masayang-masaya sila ng kanyang mister na si Nestor Ng.

Noong nakaraang December 2012 lang kinasal si Chariz at Nestor at paplanuhin pa lang daw sana nila ang pagbubuntis niya dahil pareho nga raw silang busy sa kani-kanilang trabaho.

Pero biglang may nabuo na kaya isang malaking blessing nga raw ang dumating sa kanila.

“Plano talaga namin ni Nestor na after na lang ng teleseryeng ginagawa ko na Unforgettable kami magplano for the baby.

“Kasi nga pareho kaming sobrang busy, di ba? Feeling ko hindi kami makakabuo kapag pareho kaming stressed sa trabaho.

“E, hindi naman pala—biglang ‘Hello, buntis na ako!’

“Kaya masayang-masaya kami. Hindi namin ini-expect na makakabuo kami agad.

“Plano pa nga namin na sa ibang bansa kami magbuo ng baby para second honeymoon namin.

“Pero heto nabuo na siya. Walang effort, di ba?” sabay tawa ni Chariz nang ma-interview siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Unforgettable sa Tagaytay City last April 15.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

EARLY CRAVINGS. Hindi raw hirap sa paglilihi si Chariz. Puro mga prutas daw ang gusto niyang kainin sa ngayon.

“Wala naman akong hinihiling na mga kakaibang pagkain. Type ko lang mga prutas.

“Orange nga ang gusto ko parati. Tapos dinidildil ko sa asin. Ang sarap-sarap!

“Sa ngayon, yun pa lang ang gusto kong kainin parati.

“Abangan na lang natin kung ano ang bigla kong hilingin kay hubby,” ngiti niya.

MORNING SICKNESS. Hirap lang daw si Chariz sa nararamdaman niyang “morning sickness.” Hindi lang daw ito tuwing morning kundi buong araw daw ay masama ang pakiramdam niya.

“May times na gano'n na buong araw, iba ang pakiramdam ng katawan mo.

“Natataon naman na wala akong taping kapag gano’n na lagi akong nagtu-throw up. Kapag may taping naman ako, okey naman ako.

“Nasanay yata ang baby ko na lagi akong nasa taping. Ayaw niya na wala akong ginagawa.

“Kaya nagpapasalamat ako na kapag may work ako, okey ang lahat. Hindi ako nahihirapan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kapag nakauwi na ako, doon na mag-react ang katawan ko.

“In fairness, nakikisama ang baby ko. Alam niya kapag tapos na ang trabaho ko!” tawa pa niya.

HANDS-ON MOMMY. Gusto nga ni Chariz na ma-feel niya ang pagbubuntis niya. Kaya baka after daw ng Unforgettable ay hindi na muna siya mag-work at ang pagbubuntis ang asikasuhin niya.

“Ilang years na rin kasi akong non-stop sa trabaho, di ba?

“Since 2006, sunud-sunod ang mga naging work ko.

“Ngayon siguro, I want to devote all my time sa baby ko—sa family ko.

“Maiintindihan naman ng mga taga-GMA ang sitwasyon ko.

“First baby ko ito kaya gusto kong maalagaan siya ng husto.”

Gusto nga ni Chariz na maging healthy ang kanyang baby kaya lahat ng puwede niyang kainin ay bigay-hilig lang siya.

“Okey lang sa akin na tumaba. Never ko pa kasing naranasan na lumaki ako ng husto.

“Ngayon may rason na para tumaba, di ba?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Okey lang na mawala muna ang figure ko. Buong buhay ko ay payat ako. Kaya walang problema kung mag-gain man ako ng weight.

“Pero sinasabi nga nila, mukhang hindi raw ako tataba kahit buntis ako.

“Iba raw kasi ang built ng katawan ko. Pang-payat daw talaga.

“Kung mag-gain man ako ng weight, mabilis naman daw ako papayat,” masaya niyang kuwento.

Lahat nga raw ng gagawin ng isang ina ay pag-aaralan ni Chariz.

“Siyempre, kasama na roon ang pag-breastfeed, di ba?

“Yun ang una kong gagawin for my baby.

“Diyan nga raw sa pag-breastfeed nabubuo ang bonding mo with your baby. Plus, healthy milk siya para sa baby.

“Yung pag-aalaga naman sa bata, kayang-kaya ko. Kasi yung isang kapatid ko, ako na nag-alaga noong baby pa iyon.

“Kaya alam ko kung paano magpalit ng lampin, magpahele at magpaligo ng bata,” dagdag pa niya.

A FAMILY OF HER OWN. Hindi naman daw partikular ang mag-asawa kung lalake or babae ang magiging panganay nila. Basta't maging malusog daw ito kapag pinanganak ay masaya na sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Malalaman namin kung girl or boy kapag four months na ako.

“Kung anuman ang maging gender ng baby namin, it doesn’t matter kasi blessing ito sa amin.

“Wala pa rin kaming napipiling names. Kapag nalaman na namin kung girl or boy, doon na kami mag-iisip ng pangalan,” saad niya.

Matagal na nga raw hangad ni Chariz na magkaroon ito ng isang buong pamilya since lumaki nga siya at ang kanyang mga kapatid sa isang broken home.

“All my life, yun naman ang gusto ko—yung kumpletong pamilya.

“Bata pa lang ako, yun na ang pinangarap ko.

“Alam naman siguro ng lahat na sa parehong parents ko, may mga kapatid ako.

“Never kaming nagkasama talaga bilang pamilya.

“Mahal ko ang family ko kahit na hiwa-hiwalay kami.

“Mahal ko ang mga kapatid ko.

“Pero iba pa rin na isang buo kayo, di ba?

“At yun ang pinangako namin ni Nestor sa isa’t isa... na isang pamilya kami na buo na walang makakasira,” pagwawakas niyang asam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Chariz Solomon, Unforgettable
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chariz on her willingness to gain weight during her pregnancy: “Ngayon may rason na para tumaba, di ba? Okey lang na mawala muna ang figure ko. Pero sinasabi nga nila, mukhang hindi raw ako tataba kahit buntis ako. Iba raw kasi ang built ng katawan ko. Pang-payat daw talaga.Kung mag-gain man ako ng weight, mabilis naman daw ako papayat.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results