Tanggap at suportado ni Jasmine Curtis Smith ang pakikipagrelasyon ng kapatid na si Anne kay Erwan Heussaff. Sabi niya, “Because I really do love him and, you know, even when people found it hard to accept her relationship because he’s non-showbiz… so people weren’t aware of who he was.”

Photo: Noel Orsal

Gaganap si Jasmine Curtis Smith sa kanyang kauna-unahang indie movie na pinamagatang Puti (Achromatopsia) sa direksiyon ni Miguel “Mike” Alcazaren.

Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Anne sa isang coffee shop sa Trinoma, Quezon City, sinabi niyang pagbubutihin niya nang husto dito at gagawin ang lahat para mag-iwan ng magandang impression sa moviegoers.

“Yeah, gusto ko ay ibang Jasmine Curtis ang makita ng publiko ngayong 2013.

“Isa itong psycho thriller at may pagka-edgy iyong role ko rito and it’s very different sa mga nagawa ko na sa television.

“Kaya excited talaga ako sa project na ito.”

Ayon sa tisay na aktres, challenging ang role niya rito at ito na ang kanyang chance na maipakita ang kanyang kakayahan sa acting.

“We had one intense workshop last week, it was all about characterization.

“So, it’s not so much about the acting skills, but it’s more on understanding the character.

“Tapos ay doon na papasok iyong skills na mayroon ka, iyong familiarity muna.

“Iyon ang pinakamahalaga para mas naiintindihan muna iyong dapat naming gawin at maibigay talaga iyong gusto ng director.”



COMPETING NETWORK. Magtatapos na this year ang kontrata ni Jasmine sa TV5.

Since nasa ABS-CBN ang kapatid niyang si Anne Curtis, may posibilidad bang subukan din niyang magtrabaho sa ibang TV network?

“Well, I think that’ll depend on the circumstances that may arise, if ever.

“You know, healthy naman ang relationship ko with with TV5 and everyone in the network.

“So, I don’t wanna say anything too far ahead for myself, you know…

“But as long as I’m happy now with what network I’m with, doon muna ako.