Patuloy na nadadagdagan ang kuwento sa alitan ng magkapatid na Claudine at Gretchen Barretto, dahil sa pagsalita naman ng isa pang kapatid—si Gia Barretto-Reyes. Sa liham na ipinadala diumano ni Gia sa inang si Inday Barretto, sinabihan ni Gia si Gretchen: "Leave my family alone.”

Photo: Melo Balingit / Noel Orsal

Isa na namang kapatid nina Gretchen at Claudine Barretto ang nagpahayag ng kanyang saloobin tungkol sa umiinit na alitan sa pagitan ng magkapatid na aktres.

Kung ang pangatlo sa magkakapatid na si Joaquin "Jay-Jay" Barretto ay kumampi kay Gretchen, ang pang-apat naman sa magkakapatid na si Gia Barretto-Reyes ay hayagang pumapanig sa bunsong kapatid na si Claudine at sa kanilang inang si Inday Barretto.

Mula sa Boston, Massachusetts, ay nagpadala diumano ng liham si Gia, sa pamamagitan ng iPhone, sa kanyang ina. Ngunit ang kabuuan ng liham ay nakadirekta kay Gretchen, ang pang-lima sa pitong magkakapatid.

Ibinigay naman ni Inday ang kopya ng liham ni Gia sa veteran entertainment columnist na si Ricky Lo, at nailathala ito sa The Philippine Star ngayong araw, April 26.

Maaanghang ang mga salitang binitawan ni Gia laban kay Gretchen, habang ipinagtanggol nito si Claudine.

Simula niya, “I respect that you do not want to be part of our family. At this point, we welcome it.

"Not at any point do I ever recall us forcing you to be part of us but we have never also alienated you during the times when you wanted to be with us. Even during the times when you battled with one of us.

“I say us because you have time and time again made extreme efforts to push us—mom, dad and all of us—away."

Ayon pa kay Gia, sinaktan daw sila ni Gretchen dahil sa pamamaraan nito ng pag-atake, na inilarawan niya bilang "vicious, below the belt and so evil..."

“You have hurt us in ways that put the word decency to shame, you have had no rules when you attacked us. If the attack were physical then it would be bearable. Bruises heal. But the attack has always been vicious, below the belt and so evil that the wound borne from it cannot heal.

“It is done repeatedly and unsparingly with permanent damage in mind. You have tried to put mom and dad to shame with empty allegations without thinking that you, whether you like it or not came from them. You ridicule them in front of friend, strangers and us. And, you expect us to just take it."

Kinontra rin ni Gia ang claim diumano ni Gretchen ng financial support nito sa kanilang pamilya.

“Your claims of financial support for this family have no basis, because dad always managed to provide. For the record, we may not have been so rich but we were never poor.

“1. We live in big beautiful houses 2. Slept in carpeted, air-conditioned rooms, 3. Food galore. 4. Put in an exclusive school. 5. Members of exclusive country clubs. 6. We each have our own yayas, yours even a midwife. 7. Driven by chauffeurs.

“Long before you were born and even after you were in show business. At 12 years old, could you have duplicated or taken over this kind of a style, with your meager earnings?"