PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Yam Concepcion more comfortable now with onscreen partner Ejay Falcon

Yam on her first teleserye: “I think dito it’s more of pag-arte ba, dito masusubok at dito ko mae-experience talaga.”
by Joyce Jimenez
Published Apr 30, 2013
Ipinaliwanag ni Yam Concepcion ang pagkailang niya noong una sa kapareha niya sa Dugong Buhay na si Ejay Falcon. Aniya, "Nung first time kaming nagkakilala, siyempre it’s innate na may konting ilangan, di ba? Every meeting or… yung friendship nagbi-build. So may ilang factor at first, pero eventually, tumatagal nang tumatagal, we get to know each other and you get to be more comfortable."

Nilinaw ni Yam Concepcion ang naging pahayag niya noon na “uncomfortable” siya sa kanyang leading man na si Ejay Falcon.

Magkapareha sina Yam ay Ejay sa afternoon action-drama series ng ABS-CBN na Dugong Buhay.

Sa presscon ng kanilang afternoon soap kahapon, April 29, ay tinanong si Ejay kung naramdaman ba niyang “uncomfortable” sa kanya si Yam.

Hindi alam ni Ejay ang isasagot at sinabing, “Yam, parang ikaw dapat sumagot nun…”

Pero nang tanungin ang reaksyon niya tungkol dito, ang nangingiting sagot ng young actor ay “E, dapat maging comfortable na…” na umani naman ng tawanan mula sa press.

Hanggang si Yam na nga ang nagpaliwanag tungkol sa kanyang naging pahayag.

Paliwanag ng baguhang aktres, “Uhm, nung first time kaming nagkakilala, siyempre it’s innate na may konting ilangan, di ba?

“Every meeting or… yung friendship nagbi-build.

“So may ilang factor at first, pero eventually, tumatagal nang tumatagal, we get to know each other and you get to be more comfortable.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siyempre hindi naman kami masyadong ano... nag-uusap pa ni Ejay, e.

"Pero ‘yon, I’m more comfortable with him na.”

Ginanap ang presscon ng Dugong Buhay sa 14th floor ng ELJ Building sa loob ng ABS-CBN compound.

FROM FILM TO TV. Sa one-on-one interview naman ay ikinuwento ni Yam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung paano siya nakuha para sa kanyang role na Sandy de Guzman sa Dugong Buhay.

“Ano, after ng Rigodon, tapos na ‘yon last year, I auditioned for this.

"Kasi tumawag sa akin ang Viva, sabi niya, ‘Why don’t you audition for this teleserye?’

"Hindi pa sinasabi sa akin yung title, I have no idea.

“So pumunta ako sa ABS, nag-audition ako.

"And then after few months, akala ko hindi na ako kukunin, kasi parang wala namang callback or what.

“Tapos nagulat ako sabi sa akin, uhm, ‘You’re gonna sign a contract sa ABS, exclusive na po.’

"So itong Dugong Buhay na audition plus the contract—I have one-year contract—and sakto lahat, nag-sync in together na, yun, nakuha ko nga yung role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Then nalaman ko na ako si Sandy de Guzman doon mismo sa storycon, so lutang ako the entire time na parang, ‘Oh, my god, I can’t believe that this is happening na!’

“Pinakaunang teleserye, e, wala pa naman ako masyadong experience with this, so I can’t believe how much trust they gave me para ma-portray yung role na ganito.”

Maganda naman daw ang experience ni Yam sa unang teleseryeng kinabibilangan niya. Katunayan, marami raw siyang natututunan sa naturang proyekto.

Pero aminado ang baguhang aktres na kinailangan niyang mag-adjust sa panibagong work routine, dahil nasanay siya sa paggawa ng mga pelikula.

“It’s very much different in terms of time and the characters,” pagkukumpara ni Yam sa huli niyang proyekto na Rigodon at dito sa Dugong Buhay.

“Yung sa Rigodon is an adult drama, and this one is very wholesome.

“And I think dito it’s more of pag-arte ba, dito masusubok at dito ko mae-experience talaga.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
Read More Stories About
yam concepcion, Ejay Falcon
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipinaliwanag ni Yam Concepcion ang pagkailang niya noong una sa kapareha niya sa Dugong Buhay na si Ejay Falcon. Aniya, "Nung first time kaming nagkakilala, siyempre it’s innate na may konting ilangan, di ba? Every meeting or… yung friendship nagbi-build. So may ilang factor at first, pero eventually, tumatagal nang tumatagal, we get to know each other and you get to be more comfortable."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results