The Bureau of Internal Revenue found out that Cebu-based ophthalmologist Dr. Potenciano Sto. Domingo Larrazabal, husband of singer-actress Donna Cruz, failed to declare appropriate tax from 2009 to 2011.

Photo: Screenshot from Donna Cruz's Instagram

Kinasuhan ng tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang Cebu-based ophthalmologist na si Dr. Potenciano Sto. Domingo Larrazabal III, asawa ng singer-actress na si Donna Cruz.

Ang criminal complaint ay isinumite ng BIR sa Department of Justice ngayong araw, May 2.

Ayon sa statement ng BIR, hindi tama ang idineklarang impormasyon sa tax returns ni Dr. Larrazabal para sa taong 2009 hanggang 2011.

Base sa ulat ng ABS-CBN News, na nailathala sa kanilang website kaninang tanghali, napag-alaman ng BIR na nakakuha si Dr. Larrazabal ng P29.14 million professional fee sa Phil Health mula 2009 hanggang 2011.

Subalit P4.72 million lamang daw ang kanyang idineklara para sa nasabing tatlong taon.

Nabanggit din sa statement na inilabas ng BIR na dapat ay nagparehistro si Dr. Larrazabal bilang value added taxpayer at nagbabayad ng quarterly VAT returns.

May kabuuang P21.14 million ang tax deficiency ni Dr. Larrazabal para sa tatlong taon, ayon sa BIR.

Bukas ang PEP sa anumang pahayag ni Dr. Larrazabal o ng kanyang asawa tungkol sa isyung ito.