Wala raw kaso sa Fil-Norwegian actor-singer na si Markki Stroem ang paghuhubad sa pelikula. Paliwanag niya, "I am confident about my body, so I see nothing wrong with doing a sex scene. Actually, mas okey pa nga ako doing the sex scene kasi apat na tao lang yung nasa room when we shot the scene. Compared naman sa isang malaking venue where everyone had a camera at kinukunan ako half-naked on stage."

Photo: Noel Orsal

Handa nang matawag na isang sex symbol ang actor/singer/model na si Markki Stroem, lalo na kapag napanood siya sa kanyang sexy at daring role sa indie film na Amor Y Muerte.

Ang Amor Y Muerte ay isa sa official entries para sa Directors' Showcase ng Cinemalaya Independent Film Festival in July.

Gagampanan dito ng Fil-Norweigan actor ang role ng isang Spanish conquistador during the 16thcentury at magkakaroon siya ng sexual encounter sa isang babaeng indio na ginagampanan ng indie film actress na si Althea Vega.

Ang Amor Y Muerte ay mula sa direksiyon ni Cesar Evangelista.

Saad ni Markki tungkol sa kanilang pelikula, “It’s a dark and passionate film at the same time.

“It’s my first time to really get into a character na hindi ako familiar and I have to study a lot about it.

“But with the help of our director and the rest of the people in the production, malaking tulong sila para makuha ko agad yung character and do my best to really act it out.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Markki nang mag-guest siya sa talk show na Becky Nights ng Viva Channel.



27-MINUTE SEX SCENE. Ipinagmalaki nga ni Markki ang mahabang sex scene niya with Althea na umabot daw ng 27 minutes.

Sabi niya, “It’s actually the longest sex scene ever shot in Cinemalaya history.

“It’s really a long take at tuluy-tuloy lang yung roll ng camera.

“It started sa labas ng house until umabot kami sa bedroom at naghubad kaming dalawa ni Althea.

“Then ginawa na namin yung iba’t ibang positions—pumping and all.

“Yes, they will be seeing me in the nude but more on butt exposure.

“Kung may frontal nudity? Secret!” tawa niya.

“But in the movie," patuloy ni Markki, "it will be edited in a way that it’s artistically done. Hindi lang siya basta parang nag-sex lang kami ni Althea.