Ikinagulat ng actress-politician na si Marjorie Barretto (sentro) ang pagkalat ng sinasabing "photo scandal" niya sa social networking site na Facebook nitong weekend, May 4 and 5. 

Photo: Demai Sunio-Granali

Pinabulaanan ni Marjorie Barretto, ang dating aktres at ngayon ay city councilor, na siya ang babaeng nasa "photo scandal" na kumakalat sa social networking site na Facebook nitong weekend, Mayo 4 and 5.

Tinatayang unang lumabas ang mga litratro sa isang tabloid noong Biyernes, Mayo 3.

Sa pamamagitan ng panayam ng editor in chief ng PEP na si Jo-Ann Maglipon sa telepono ngayong umaga, ipinahatid ni Marjorie ang kanyang maikling pahayag tungkol sa kumakalat na mga larawan:

"No. That's not me. I would never do something like that. That's not my nature."

Sa kasalukuyan ay gumagawa na ng hakbang ang kampo ni Marjorie upang alamin kung sino ang may pakana ng pagkalat ng naturang mga larawan.

Buo ang loob ni Marjorie na ipahanap sa National Bureau of Investigation ang source ng mapanirang mga larawan.

Sa pananaliksik ng PEP, dalawang art directors ang nagsabing duda sila sa authenticity ng photos:

"If you'll notice, parang may smudge and may shadow sa chin. Mukhang totoo yung katawan, parang nilagay lang yung ulo. Yung sa chin at neck parts, hindi consistent. Lumalabas na double ang chin niya, and it could be because hindi nalinis yung unang photos. Meaning, may naiwan na part ng chin yung original na ulo kaya nagmukhang double chin."

Mayroon namang isang graphic supervisor na sumasalungat dito:

"Kung ang pagbabasehan ay ang consistency ng light and shadow, maaaring totoo ang photos."

Hinihinalang may kinalaman sa pulitika ang pagkalat ng mga larawang ito. Si Marjorie, na outgoing Caloocan City councilor, ay nasa partido ni Mayor Recom Echiverri.

(Sa naunang report ng PEP, nasabi naming tumatakbo muli si Marjorie bilang konsehala ng siyudad. Itinutuwid namin ito.)


Ed's Note: Minarapat ng PEP na huwag ilabas ang dalawang litratong kumakalat sa Facebook. Ito ay upang maprotektahan ang karapatan ng isang indibidwal laban sa mapanirang mga litrato, na ni hindi pa napapatunayang lehitimo at ni hindi pa nalilinawan kung sino ang source.


With reports by Arniel C. Serato