Tiniyak ng kampo ni Marjorie Barretto na mananagot ang sinumang may kinalaman sa pagkalat ng nude photos niya sa Internet. Kasalukuyan na raw iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation ang isyung ito.

Photo: Demai Sunio-Granali

Desidido ang kampo ni Marjorie Barretto na gumawa ng legal na hakbang laban sa mga taong nasa likod ng pagpapakalat ng "nude photos" ng actress-politician.

Naglabas ng statement ngayong araw, May 7, ang legal counsel ni Marjorie—ang Kapunan Garcia & Castillo Law Offices—kaugnay ng isyung ito.

Ayon sa kanila, ang pagkalat ng mga larawang ito sa Internet ay paglabag sa Republic Act No. 9995 o kilala rin bilang “Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009.”

Wala raw pahintulot si Marjorie na i-post sa Internet ang “nude photos” na ito at hindi raw ito “for public consumption.”

Iniimbestigahan na raw ngayon ng National Bureau of Investigation ang isyung ito.

Tinitiyak naman ng kampo ni Marjorie na papanagutin nila ang sinumang may kinalaman sa “criminal action” na ito.

THE DENIAL. Isang araw bago ilabas ng kampo ni Marjorie ang statement na ito ay itinanggi ng outgoing councilor ng Caloocan City sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na siya ang babae sa mga larawang ito.

"No. That's not me. I would never do something like that. That's not my nature," sabi ni Marjorie sa eksklusibo niyang pahayag sa PEP.

Ito ay sinabi ni Marjorie nang hiningan siya ng PEP editor-in-chief na si Jo-Ann Maglipon ng statement tungkol sa mga litrato.

Nililinaw ni Jo-Ann na nang makausap niya si Marjorie, mukhang wala itong kamalay-malay sa mga litrato. Ang tanong pa ng huli, "Huh? What photos? Where are they seen?" at "Can you describe them to me?"

Inilarawan ni Jo-Ann ang itsura ng mga litrato, at base rito ay sinabi ni Marjorie na hindi siya iyon. Hiningi ni Jo-Ann ang kanyang email address upang ipadala sa kanya ang mga litrato, ngunit hindi na naipadala ni Marjorie ang address. 

Ang sumunod na pangyayari ay ang pagpapatawag ng press conference ng mga abugado ni Marjorie ngayong araw, May 7.

(CLICK HERE to read related story.)

Upang linawin ang pagbabago ng pahayag ng kampo ni Marjorie ay nagpadala si Jo-Ann ng tanong via text message sa dating aktres ngayong hapon, May 7.