Bagamat ayaw magbigay ng pahayag si Richard Gutierrez tungkol sa napapabalitang paglipat niya ng network ngayong malapit nang matapos ang kontrata niya sa GMA-7, inamin niyang pinag-uusapan ng kanilang pamilya ang tungkol dito. Aniya, "Siyempre ako tsaka yung family ko, napag-uusapan na namin kung ano yung magiging best for me. Pero siyempre, right now, naka-concentrate ako dahil nga GMA is, you know, has been there for me. And ngayon, may soap opera akong ginagawa sa kanila so focused muna ako dito sa ginagawa ko ngayon.”

Photo: Noel Orsal

Hanggang sa June 7 na lang ang primetime series ni Richard Gutierrez sa GMA-7, ang Love & Lies.

 

Nagsimula itong umere noong April 8 kaya lumalabas na dalawang buwan lamang ang itatakbo ng serye.

Sa June ay matatapos na rin ang kontara ni Richard sa Kapuso network.

Sa pagtatapos ng kanyang kontrata at show sa June, ibig bang sabihin nito ay matatapos na rin ang pagiging Kapuso niya? Balita kasing lilipat na ng ibang network si Richard.

Sagot niya, “A, hindi ko alam, e. Hindi ko masabi ‘yan ngayon, e.

“Tingnan na lang natin after Love & Lies kung ano’ng mangyayari.”

Wala pa bang usapan sa kung ano ang mangyayari sa pagtatapos ng kontrata niya?

“Hindi… siyempre ako tsaka yung family ko, napag-uusapan na namin kung ano yung magiging best for me.

“Pero siyempre, right now, naka-concentrate ako dahil nga GMA is, you know, has been there for me.

“And ngayon, may soap opera akong ginagawa sa kanila so focused muna ako dito sa ginagawa ko ngayon.”

Hindi na ba talaga magkakaroon ng extension ang Love & Lies?

“Hindi ko alam e, hindi yata, e.”

So, maghihintay ang lahat hanggang Hunyo kung ano ang mangyayari?

“Yeah, abangan na lang natin ang mga susunod na kabanata.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Richard sa taping ng Love & Lies kahapon, May 6, sa Antipolo City.