Bumubuo ng “compromise” ang mag-asawang Glydel Mercado at Tonton Gutierrez kapag mayroon silang problema. Kuwento ni Glydel, “Kapag may hindi kami napagkakasunduan, pinag-uusapan namin nang maayos—walang sigawan, walang sisihan.”

Photo: Noel Orsal

Bagamat busy si Glydel Mercado sa kanyang afternoon TV series sa GMA-7 na Unforgettable, hindi pa rin daw siya mawawalan ng panahon para sa mga anak.

Ang mag-asawang Glydel at Tonton Gutierrez ay may dalawang anak na—sina Aneesa, 7, at Aneeka Marie, five months.

Sabi ni Glydel nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Unforgettable sa Tagaytay City, nagi-guilty siya kapag iniiwan niya ang mga anak sa mga yaya nito tuwing magte-taping.

Kuwento niya, “Si Aneesa kasi, malaki na siya. Kaya kahit iwan ko sa yaya niya, okay lang.

“Nasanay na siya na parehong nagtatrabaho ang mommy at daddy niya.

“Tsaka may mga kalaro na siya sa lugar namin kaya hindi ko siya masyadong problema.

“Lalo na at bakasyon pa, marami siyang time na maglaro with her friends or minsan nandoon siya sa mga pinsan niya.”



BORED. Naiisip din niyang dalhin ang mga bata sa taping, pero sa layo ng location ay baka mainip lang daw ang mga ito.

Saad ni Glydel, “Yung pinaka-worry ko ay si Aneeka, kasi nga baby pa at alagain pa.

“Kung puwede lang sanang dalhin ko sa taping, gagawin ko.

“Kaso, iniisip ko na baka mainitan at umiyak lang nang umiyak, baka magkasakit pa.

“Kaya tuwing aalis nga ako, hindi nawawala yung guilt ko, kasi dapat ako ang nag-aalaga sa kanya.

“Pero alam mo naman, kailangan nating magtrabaho.

“Iniisip ko na lang na lahat ng ginagawa kong trabaho ay para sa mga anak ko.

“Yun din ang laging iniisip ni Ton—yung mga pinaghihirapan naming mga oras sa trabaho, lahat iyon for our kids.”



PRIORITY. Tila alam naman ng production team at ni Direk Gina Alajar ang sitwasyon ni Glydel.

Sabi ng aktres, “Nagpapasalamat lang naman ako sa production staff ng Unforgettable, lalo na kay Direk Gina, kasi minsan maaga akong natatapos.