Nag-post ng mga larawan ang aktres na si Claudine Barretto ng masasayang sandali ng kanilang pamilya sa Instagram. Ngunit ang kapansin-pansin ay hindi kasama sa alinman dito ang kanyang asawa na si Raymart Santiago.

Photo: Instagram

Matapos niyang i-post sa Instagram ang “controversial Porsche” noong April 21, wala nang narinig mula kay Claudine Barretto kaugnay ng umiinit na alitan nila ng kapatid na si Gretchen Barretto.

(CLICK HERE to read related story.)

Dahil sa away ng dalawang aktres ay nadamay na rin ang kanilang ina na si Inday Barretto at mga kapatid na sina Joaquin at Gia.

Ngunit muling nagparamdam si Claudine Barretto sa kanyang IG account (“claubarretto”), and this time, puro pampamilyang posts ang kanyang inilagay.

May 2, Thursday, ipinost niya ang isang larawan kasama si Sabina, ang adopted daughter nila ng mister niyang si Raymart Santiago.

May caption ito na: “My Mommy so sweet like Candy.”

May 3, Friday, ay lumabas naman ang huling statement ng kanilang ina na si Inday Barretto patungkol kay Gretchen.

(CLICK HERE to read related story.)

Kinabukasan, May 4, tatlong mga larawan kasama ang ilang miyembro ng kanyang pamilya ang sunud-sunod na inilagay ni Claudine sa kanyang IG account.

Makikita sa larawan si Claudine habang yakap ng kanyang pamangkin na si Cholo Barretto. Kasama rin sa picture ang mga magulang ng aktres at isang babae.

Nakalagay sa caption ang mga salitang: “Simple Dinner with family.”

Kasunod nito ang larawan ng kanyang mga magulang kasama ang kanyang mga anak na sina Sabina at Santino at dalawang iba pa.

Nakasulat naman sa ibaba ng larawang ito ang caption na ito: “Having Sundae’s at mcdonalds thanks Mama day & Pikey.”

Isa pang larawan ang sunod niyang ipinost na may nakalagay na “Thank you Lord for today,” kung saan lahat sila ay nakangiti.

Kahapon, May 8, dalawang posts ulit ang magkasunod na inilagay ni Claudine sa kanyang Instagram account.