On the rumor that he is being groomed as GMA’s next Richard Gutierrez, Aljur Abrenica says: “Gusto ko pong gumawa ng sarili ko pong pangalan, e. Sa nakikita ko naman, malayong-malayo po ako sa kanya.”

Click here to watch the PEPtalk episode!

Photo: Nikko Tuazon

Uminit lalo ang usapan sa ikalawang bahagi ng PEPtalk Bodies Special kung saan sinagot ng Kapuso hunk Aljur Abrenica ang mga tanong kaugnay sa lumalalim na relasyon nila ni Kylie Padilla.

Napag-usapan din sa bahaging ito ang patuloy na pagsigla ng career ni Aljur bilang isa sa top leading men sa Kapuso network at ang batikos sa kanya noon na mayroon siyang attitude problem.

Narito ang ikalawang bahagi ng panayam nina PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) associate editor Rommel Llanes at staff writer Abby Mendoza kay Aljur...


Abby:  Kumusta na nga pala sila ng father ni Kylie Padilla na si Mr. Robin Padilla? Aljur? 

Aljur: “Nagpapasalamat naman po ako dahil... bilang isang ama….”

Rommel: Maayos naman kayo?

Aljur: “Oo. All respect po talaga ako kay Mr. Robin Padilla. 'Tito Robin' na nga po ang tawag ko sa kanya.

“Ano po... nagpapasalamat po ako dahil sobrang understanding [niyang] ama. Alam ko po kasi na…

“Sa totoo lang naman kasi, alam ko naman po. Alam ko po talaga. Alam ko po na mali po talaga, lalung-lalo na sa relihiyon nila.”

(Muslim si Kylie samantalang Katoliko naman si Aljur.)

Abby: Pero nung birthday ni Kylie, di ba, nagpunta ka pa sa kanila? Mukhang okay... mukhang comfortable ka na?

Aljur: “Gaya ng sinasabi ko kanina, itutuloy ko... mali naman po talaga sa relihiyon nila.

"Nasabi naman po sa akin, nabanggit naman po. Kahit kanino naman itanong.

“Pero ang pinanggagalingan ko naman kasi, kaya naman nandito pa rin ako ngayon, at nandiyan pa rin kami ni Kylie, ang katuwiran ko lang, pare-parehas lang naman tayong ipinanganak na tao.

“At hindi ko naman po talaga sinasadya. Hindi ko naman sinasadya at hindi naman po sinasadya ni Kylie na mahulog kami sa isa’t isa.

“Talagang nahulog po ako. Talagang nahulog din po siya sa akin. Nagmahalan po talaga kami.