Iwas na si Jennylyn Mercado na pag-usapan ang tungkol sa ex-boyfriend niyang si Patrick Garcia. Sabi ng Kapuso actress, “Wala nga, di ba? Basta, okay na yun. Huwag na lang nating pag-usapan. Family matters, ayoko na lang pag-usapan pag ganoon.”

Photo: Noel Orsal

Sabi ni Jennylyn tungkol dito, “E, siyempre, malungkot. Pero, ganoon talaga. Ang show naman talaga, natatapos.

“Pero positive ako na may kapalit. Tuwing may mawawala, palaging may kapalit.

"So, positive, positive pa rin.”

Pero mayroon naman na siyang sisimulang reality show sa GMA-7, ang Anak Ko ‘Yan!.

Kuwento ni Jennylyn, “It’s every morning, reality show siya.

"Between seven to seventeen years old, ito yung pinapa-audition namin.

“Yung sa soap naman po, hindi pa po sigurado, pero hindi ko pa po puwedeng sabihin.”

Hindi pa sigurado ni Jennylyn kung ano ang magiging timeslot ng bago niyang reality show, pero posible raw na mag-overlap ito sa show ni Luis sa ABS-CBN, ang Minute To Win.

Kung sakali, wala naman daw problema sa kanila ang ganitong bagay.

Sabi ni Jennylyn, “Okay lang naman at saka hindi rin naman ako sigurado kung katapat, basta ang alam ko, umaga.

“Pero, hindi ko alam kung saan doon.”



INDIO ENDING. Hindi naman maiwasan ni Jennylyn na malungkot na magtatapos na ang Indio, at hindi na sila magkikita-kita tuwing taping.

Saad niya, “Nakakalungkot kasi ang tagal naming magkakasama.

"Parang simula noong September... October pa yata nagte-taping na kami.

“Halos ilang buwan na rin yun kaya talagang nakakalungkot din.

“Minsan, nagpo-four times a week kami, so nakakalungkot talaga.”