Nagbalik-tanaw si Richard Poon sa unang pagkikita nila ng kanyang future bride na si Maricar Reyes: “Pinakiramdaman ko siya at ang unang offer ko sa kanya ay pagkain. Medyo may stiffness pa... may discomfort. Hindi ko pa matantiya, e. Pero as the… nag-shoot na kami. Nagkaroon na ng araw, nagtanong na ako sa kanya kung saan siya nag-aral, kung taga-saan siya. So, doon nagsimula yun.”

Photo: Noel Orsal

Sa panayam ni Boy Abunda kay Richard Poon sa segment nitong “Ikaw Na!” para sa late-evening news program na Bandila, ibinida ng singer ang  kanyang latest album na Legends.

Labindalawang international artists daw ang kanyang binigyang-pugay rito, with “Truly” of Lionel Ritchie as its carrier single.

Pagmamalaki ni Richard, “Ngayon ay hindi ko mailabas ang kuwarentang kanta na ‘yan na original dahil ang ginagawa ko…

“Kasi ibinabalik ko nga yung mga kantang luma.

“Ito ngang album ko, it has twelve legendary artists—from Madonna, Beatles, Michael Jackson—all of them.

“I picked one song each ang gave my version of it.

“It’s already available nationwide... It’s my first pop album as a solo artist.”

Sa kanyang ina raw siya nagmana sa husay sa pagkanta.

Pagmamalaki ng ASAP mainstay, “She has an operatic voice kaya hindi ako tone deaf pagdating sa music—yun ay dahil sa kanya.”



ON MARICAR REYES. Tungkol naman sa engagement niya sa aktres na si Maricar Reyes, paano nito binago ang kanyang buhay?

“I think mas confronted ako to deal my… let’s say my selfishness on…

“Working out on a relationship is may ibang tingin ang ibang tao sa iyo na…

“At minsan may kaunting friction, may kaunting tampuhan, pero it’s how you manage it.

“So I think, it’s the most important at pinakamalaking pagbabago sa buhay ko,” sagot ni Richard.



CRUSH AT FIRST SIGHT. Nang una pa lang daw silang magkita ni Maricar ay may kakaiba nang naramdaman si Richard para sa aktres.

“Actually, crush ko na siya sa Betty La Fea pa lang.

“Sabi ko, ‘Oy, may mukhang Chinese.' Tapos biglang nag-Tagalog... Pilipina pala!