Andrea on why she likes Kim Chiu: “Kasi po nakasama ko na siya, maganda siya at masarap po siyang kasama, tapos ang bait-bait pa niya, tapos magaling po siyang umarte.”

 

Photo: Noel Orsal

Sa presscon ng Annaliza ng ABS-CBN, tinanong namin ang child actress/lead star na si Andrea Brillantes kung ano ang reaksyon niya sa sinabi ng co-star niyang si Zanjoe Marudo na si Andrea ay magandang bata, tiyak na sisikat at magiging prinsesa ng Kapamilya network.

“Siyempre masaya ako kasi si kuya Zanjoe ang nagsabi sa akin nun e, pambihira lang yun e,” ang pahayag ni Andrea sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Sa mga eksenang nakunan na para sa Annaliza, pinaka-nahirapan raw si Andrea sa…

“Yung nagkaroon po ng baha. Kasi po ang lamig po ng tubig.”

Hindi naman daw siya natakot, gininaw lang siya.

Ang pinaka-nagustuhan niyang eksenang ipinagawa sa kanya ng mga direktor ng Annaliza na sina Theodore Boborol at Cathy Camarillo...

“Yung nagkahiwalay po kami ng tatay ko,” pagtukoy ni Andrea sa eksenang nasa sasakyan si Guido (played by Zanjoe) para mag-abroad at hinahabal ito ni Andrea bilang si Annaliza.

“Kasi ang ganda e,” sinabi pa ni Andrea sa naturang makabagbag-damdaming eksena.

FAVORITE ACTRESSES. Ang mga paboritong artista ni Andrea...

“Kim Chiu po,” ang mabilis na sagot ni Andrea.

“Kasi po nakasama ko na siya, maganda siya at masarap po siyang kasama, tapos ang bait-bait pa niya, tapos magaling po siyang umarte.

“Si Anne Curtis din po.”

Hindi pa raw niya nakakatrabaho si Anne.

“Nakikita ko lang po siya sa TV tapos sa Showtime po.”