[x]

Ryza Cenon said she'd rather work hard than entertain indecent proposals. “Kaya nga ako nagtatrabaho, naghihirap ako mag-isa na tinatayo ko yung sarili ko kasi hindi ko kailangan ng tulong ng iba..."


Click here to watch the PEPtalk episode with Ryza Cenon!

Click here to view the behind-the-scenes pics from the shoot!

Photo: Nikko Tuazon

Lumalamig na ang panahon at nagsisimula nang umulan, pero may pahabol pa ang PEPtalk Summer Bodies Special.

Sa episode na ito, nakipagkuwentuhan sina Rommel Llanes, associate editor at Abby Mendoza, staff writer ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa Kapuso star na si Ryza Cenon.

Napag-usapan sa bahaging ito ang pag-pose sa kauna-unahang pagkakataon ni Ryza sa men’s magazine na FHM, ang naging reaksyon ng mga taong malalapit sa kanya, pagharap sa indecent proposals, at ang napapabalitang pagiging “curious” niya sa girl-to-girl relationships.

Narito ang panayam ng PEPtalk sa Kapuso artist:

Abby: "What’s up, Pepsters? Welcome to the PEPtalk Bodies Special!

"At dahil mainit po ang panahon ngayon, mainit na mainit ang ating guest. Please welcome, the sizzling FHM May 2013 cover girl, Ms. Ryza Cenon!

"Sir Rommel, you’re so engrossed over there. It’s your turn to ask."

Rommel: "Hindi, kasi tinitingnan ko ‘tong bagong May issue ng FHM where Ryza Cenon is the cover. So, ano ba? Ang tanong kasi parang Ogie Alcasid lang—bakit ngayon lang? Bakit ngayon ka lang nag-pose? Is this a career move? Statement?"

Ryza: “Kasi ngayon lang siya dumating sa buhay ko... Hindi. Kasi ngayon lang ako naging ready.

“Kasi before, sinasabi ko lagi na hindi pa ready yung katawan ko. Nene pa siya. So, hindi siya bagay sa magazine na parang magmumukhang pilit.

“So, ngayon, ready na ako na pisikal, emotionally, mentally ready talaga.”

Rommel: "So, hindi naman ‘to may kinalaman dun sa sinasabi ng iba na, because sabi, it’s a 'desperate move' daw?"

Ryza: “Hindi naman, hindi naman. Hindi naman lahat ng nagpo-pose sa FHM is yun yung reason.

“Siyempre, meron din yung parang mag-boost ng confidence, saka siyempre, tumatanda na rin ako.”

Rommel: "Ilang taon ka na ba?"

 

Ryza: “Twenty-five.