Kung may pagkakataon daw ay gusto ring subukan ng singer na si Kris Lawrence ang pag-arte. Sabi niya, “Gusto ko po, actually. Gusto ko po. Na-try ko nang umarte sa ilang guestings ko dati. Pinaka-last nga yung sa story ni Kat [Katrina Halili] sa Magpakailanman.”

Photo: Noel Orsal

Kagaya ng iba pang Kapuso stars at artists na bahagi ng Party Pilipinas, nalungkot din si Kris Lawrence sa pamamaalam ng kanilang programa.

Ayon kay Kris, nagulat sila sa biglaang pagkawala ng musical-variety show na tumagal sa ere ng tatlong taon.

“Lahat din po kami nagulat. Last week lang sinabi sa amin na last episode na this week.

“So, biglang-bigla ang announcement na lahat kami, nawalan ng trabaho!” sabay-tawang biro ni Kris nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa lobby ng GMA Studios last Sunday, May 19.

Balitang isang pinaghalong variety at game show ang ipapalit sa Party Pilipinas, na ang magiging titulo raw Sunday All Stars. Umaasa si Kris na makasama pa rin siya sa bubuksang programa ng GMA-7.

“Sana po. Pinagpi-pray ko po iyon. Sana nga.

"Kasi sabi rin, maraming hindi na makakasama sa bagong show. Hindi ko lang po alam."

Hindi ba niya pinaplano na subukan din ang pag-arte?

Sagot ni Kris, “Gusto ko po, actually. Gusto ko po.

“Na-try ko nang umarte sa ilang guestings ko dati. Pinaka-last nga yung sa story ni Kat sa Magpakailanman.”



MUSIC ALBUM. May lungkot man siyang nararamdaman sa pagkawala ng Party Pilipinas, napalitan naman ito ng tuwa at excitement dahil sa lalabas niyang bagong album.

Sabi ni Kris, “Luckily, I’m gonna launch an album.

“So kahit papano, magiging visible pa rin ako kasi ipu-promote ko ito. I have to keep that up.

“I’m very excited talaga na labas na po yung album ko… nasa printing na.

“Siguro maglu-launch ako first o second week of June… it’s under GMA Records.

“The title of the album is called Spread the Love—it’s a pure OPM album.