Nanguna ang aktor na si Gary Estrada bilang board member sa kanilang distrito sa Quezon Province noong nakaraang eleksyon. Pero noong una’y bilang governor o congressaman ang kanyang target. Aminado si Gary na “Magiging ipokrito ako kapag sinabi ko sa inyong hindi ako nanghihinayang. Nanghihinayang ako na hindi ako lumaban sa mas mataas. Tao lang ako, may panghihinayang din.”

Photo: Noel Orsal

Muling nagwagi ang aktor na si Gary Estrada bilang board member o bokal sa ikalawang distrito ng Quezon Province nitong nakaraang eleksyon.

Ito na ang ikalawang termino ni Gary, na nakakuha ng pinakamaraming boto sa lahat ng tumakbong board member sa lalawigan.

Bago ang eleksyon ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Gary.

Naikuwento niya noon ang plano niyang tumakbo sana sa mas mataas na posisyon—bilang congressman o bise-gobernador. Ang misis niyang si Bernadette Allyson naman daw ang tatakbong bokal.

Ngunit sa huli ay nagdesisyon nga si Gary na muling tumakbo bilang board member.

Nang makausap muli ng PEP si Gary noong Martes, May 21, sa Dayrit’s restaurant, tinanong namin siya kung hindi ba siya nanghinayangna sana ay mas mataas na puwesto ang itinakbo niya noong nakaraang eleksyon.

Tugon niya, “Magiging ipokrito ako kapag sinabi ko sa inyong hindi ako nanghihinayang.

“Nanghihinayang ako na hindi ako lumaban sa mas mataas. Tao lang ako, may panghihinayang din.

“They offered me the two positions na mas mataas, pero siyempre, hindi naman natin masasabi na magiging successful ako kung yun ang nilabanan natin.

“May panghihinayang, in a way, but I’m happy with the decision that we have made.”



STRATEGY CHANGE. Bakit nagbago ang desisyon niya na tumakbo sa mas mataas na posisyon?

Paliwanag ni Gary, “Actually, my family, si Bernadette, she wasn’t ready to run. Maliliit pa ang mga anak ko.

“Noong unang beses ko ngang tumakbo, hindi siya halos nakatulong sa akin sa kampanyahan. Pumunta lang siya, isang beses.

“Pero ngayon, napakiusapan ko na siya.

“For three weeks, she had her own group campaigning for me. Yung mga bata [anak nila], kasama niya.

“Noong una, maliliit ang mga bata, hindi ko siya napakiusapan para umikot.