Ipinagtanggol ni Jerika Ejercito ang ama niyang si dating President Erap Estrada sa akusasyong isa itong "convicted plunderer."

Photo: File

Nagbigay na ng kanyang panig si Georgina Wilson tungkol sa tweet niya tungkol kay Manila mayor-elect Joseph "Erap" Estrada na lumabas noong kasagsagan ng bilangan sa eleksyon.

Ayon kay Georgina, lumang tweet daw niya ito at wala raw itong kinalaman sa nakaraang eleksyon kunsaan nagwagi ang dating Pangulo bilang mayor ng Manila.

Humingi na rin ng paumanhin ang model-host sa pamilya ni Erap kung nasaktan niya ang mga ito.

Kaugnay ng pahayag ni Georgina, muling hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng pahayag si Jerika Ejercito—ang panganay na anak ni Erap sa mistress nitong si Laarni Enriquez.

Nauna nang nagbigay ng pahayag si Jerika sa PEP kahapon, at ilang oras matapos mailathala ang kanyang artikulo ay sumagot naman si Georgina.

Kaninang madaling-araw, May 23, isang text message ang natanggap ng PEP mula kay Jerika.

Dito ay nagbigay siya ng reaksiyon sa pahayag naman ni Goergina.

Sabi niya, “As I’ve said, the tweet was only brought to my attention, I am not one to ‘look’ or ‘surf’ social media for such things.

“I am fully aware that our family is an easy target, especially to those who do not know us in a personal level.

“Whether that tweet was in fact 4 years ago, any child in their right state of mind would stand up of their father.

"If my father was TRULY a ‘convicted plunderer,’ would you think he would be a free man today?”

“The court that convicted my father at that time was handpicked by Mrs. Macapagal (former president now re-elected Pampanga’s second district representative Gloria Arroyo) herself during... and as we know she was my father’s vice-president until Edsa Dos happened.

“If my father was TRULY a ‘convicted plunderer,’ our whole family would have left the country and lived elsewhere, my father would have accepted the offer Mr. Nani Perez (GMA’s Secretary of Justice) made THREE TIMES while my father was incarcerated.

“And if my father was TRULY a ‘convicted plunderer’ why would the same people that put him in jail pardon him?

“The Catholic church issued a public apology and so did the late President Cory Aquino before she passed.