Ilang araw pagkatapos makoronahan si Denise Garrido (kaliwa) bilang Miss Universe Canada 2013 ay naglabas ng statement ang Beauties of Canada na nagkaroon ng pagkakamali at ang totoo palang nanalo ay si Riza Santos (kanan). Kilala ng mga Pinoy si Riza dahil lumabas siya sa ilang pelikula at TV shows dito sa Pilipinas.

Photo: Courtesy of Beauties of Canada

Short-lived ang reign ni Miss Universe-Canada 2013 Denise Garrido dahil binawi ng pageant organizers, ang Beauties of Canada (BOC), ang kanyang beauty title at korona na napanalunan niya noong May 25.

Napatunayan ng organizers na nagkaroon ng malaking pagkakamali dahil 3rd runner-up lamang si Garrido, at si Riza Santos na itinanghal na first runner-up ang tunay na winner ng Miss Universe-Canada 2013 title.

Pamilyar ang maraming Pinoy kay Riza dahil naging artista ito sa Pilipinas at naging housemate pa sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition noong 2007.

Naging contract siya ng Viva Films at lumabas sa mga programa ng ABS-CBN na Palos at Betty La Fea.

Sina Polo Ravales, Will Devaughn, at Mark Bautista ang mga aktor na na-link kay Riza noong active pa ito sa local showbiz.

HUMAN ERROR. Naglabas ng statement ang BOC sa kanilang official website tungkol sa "human error" na nangyari, isang araw matapos ang coronation night na ginanap noong Sabado, May 25, sa St. Lawrence Centre for the Arts, Toronto:

"The 2013 Miss Universe Canada pageant took place on Saturday, May 25, at the St. Lawrence Centre for the Arts in Toronto.

"During the validation of the computerized scoring results (which occurs the following day), a typo was discovered in the top 5 entries, which significantly impacted the final results of the competition.

"This is the first instance of this type of error in the 11 years that Beauties of Canada (BOC) has produced the Miss Universe Canada pageant.

"This is an unfortunate circumstance where a human error was made, and in such a situation, as difficult as it is, it is only right to correct the error.

"Therefore, the official results of Miss Universe Canada 2013 are as follows:

Miss Universe Canada 2013 ­ Riza Santos (Calgary, AB)

1st runner-up ­ Siera Bearchell (Moose Jaw, SK)

2nd runner-up ­ Diana Martin (Mississauga, ON)

3rd runner-up ­ Denise Garrido (Bradford, ON)

4th runner-up ­ Michelle McKay (Sarnia, ON)

"We would like to offer our sincere apology to Denise Garrido for this human error discovered while validating the results.

"Miss Garrido’s example and grace represents all we look for at Miss Universe Canada. We have no doubt she will continue to succeed in her endeavours and we wish her well. We truly hope she remains a strong part of the Miss Universe Canada Organization.