Sa gitna ng mga usap-usapan na lilipat na siya ng network pagkatapos ng kontrata niya sa GMA-7, naka-focus pa rin daw ang atensiyon ni Dingdong Dantes sa bago niyang primetime series sa Kapuso network, ang Genesis.

Photo: Noel Orsal

Iwas pa ring magbigay ng pahayag si Dingdong Dantes tungkol sa nababalitang paglipat niya ng network.

Nang muling tanungin si Dingdong tungkol dito sa solo presscon niya para sa Dance of the Steel Bars, sinabi ng aktor na wala pa sa isip niya ang bagay na ito.

“Sa ngayon talaga, I’m concentrated on promoting this film at sisimulan ko po ang show ko for this year sa GMA.

"Medyo ano siya, medyo malaking konsepto kaya hindi pa masimulan agad.

“Pero ako, all efforts ko po, nandoon sa show.”

Ang tinutukoy ni Dingdong na “show” ay ang upcoming primetime series niya sa GMA-7, ang Genesis.

THE NEGOTIATION. Sa August 2013 ay matatapos na ang kontrata ni Dingdong sa Kapuso network at dito malalaman kung mananatili siya sa GMA-7 o mangingibang-bakod na siya.

Pero dahil bukas ang manager ni Dingdong na si Perry Lansigan sa pagsasabing nakikipag-usap sila sa ibang networks para sa posibilidad na paglipat ng aktor, pinag-iisipan ba niya talagang umalis na ng GMA-7?

Sabi ni Dingdong, “Siguro yun ang role ng business manager ko for now. 

“Kasi, ayokong masira ang diskarte ko sa paggawa ng mga bagay-bagay. 

"If I do something, I put my whole heart and mind into it.

“Especially in my coming soap opera, I don’t want to think about those things yet.

“That’s why nandiyan ang business manager ko to handle those things for me.”

May mga bagay ba siyang hindi na nagugustuhan sa GMA-7 kung kaya’t naiisip na niyang lumipat sa ibang network?