Pagkatapos ng kontrobersiyang idinulot ng lumabas na issue ng "Pugad Baboy" noong June 4, nagdesisyon ang cartoonist na si Pol Medina Jr. na mag-resign na bilang contributor ng Philippine Daily Inquirer.

Photo: Facebook

Tuluyan nang nag-resign ang "Pugad Baboy" creator na si Pol Medina Jr. bilang contributor ng Philippine Daily Inquirer (PD) matapos ang 25 taon nitong kabahagi ng pahayagan.

Ang pagre-resign ni Medina ay bunsod ng kontrobersiyang nilikha ng kanyang cartoon strip na lumabas noong June 4.

Nakasaad sa resignation letter ng cartoonist, na ini-address kay PDI editor-in-chief Letty Jimenez-Magsanoc, “Ma'am, sorry I dishonored you. I resign.”

Sinabi rin nitong "irrevocable" ang kanyang resignation simula noong June 7, Biyernes.



THE CONTROVERSIAL COMIC STRIP. Simula rin noong June 7 ay hindi na nababasa ang comic strip ni Medina na "Pugad Baboy" sa Inquirer.

Ito ay bunsod sa pagkakabanggit ng "St. Scholastica’s College" sa kanyang comic strip sa June 4 issue ng national daily.

Sa pag-uusap kasi ng dalawang karakter sa comic strip, nabanggit nito ang mga salitang "gays and lesbians" at pati na ang "mga madre."

Ang comic strip na ito ay nakapukaw sa atensiyon ng eskuwelahan upang padalhan ng sulat ang pamunuan ng Inquirer noong June 5.

Ito ang nakasaad sa sulat ng St. Scholastica’s College:

“Upon advice of our legal counsel, we sent a letter to Ms. Chato Garcilliano of PDI which was delivered yesterday at 2:30 PM. Part of the letter reads:

‘We protests in the strongest possible terms the way the school was singled out and our Sister administrators accused of allowing homosexual relationships between its female students.'

"The administration is seeking an audience with the person in charge of the Comic Relief Section and the cartoonist of Pugad Baboy, Mr. Pol Medina.

“Today, PDI told us that the letter was forwarded to Ms. Elena Pernia, the Ombudsman of PDI, who happenned to be out of her office the whole day today.

“If we will not hear from PDI this week, the lawsuit will be filed. If the dialogue will be arranged, we will be inviting administrators, faculty and students who care about this issue to join us. The entire Sisters community will be present..."

Last June 5 din, sa official Twitter account ng Inquirer, nagsabi ang publikasyon na tinanggal na nila ang kontrobersiyal na comic strip ni Medina.

Anila, “The controversial June 4 Pugad Baboy comic strip was removed from the comics section of the inquirer.net on June 5, (10pm).