Xian on the forthcoming ending of their teleserye Ina, Kapatid, Anak: “It’s a nice thing na dumating kami sa ganitong point na tumagal kami ng one year. Nagpapasalamat din kami dahil kung wala ang mga supporters, e di kami aabot ng ganito. We are happy, siyempre nakakalungkot din na di na kami magkikita-kita pero it’s part of it, ni-ready na rin namin ang sarili namin and we’re excited for the next project coming soon.”

 

 

Photo: Noel Orsal

Agad naman itong naayos kung saan ayon nga kay Enchong ay higit itong nagpalalim sa pagkakaibigan nila ni Xian. Nang tanungin naman tungkol dito si Xian ay iwas nang pag-usapan pa ito ng aktor.

“Sa akin I just don’t entertain yung mga issues, sa akin it’s more on the positive side now palagi. It won’t do any good,” paglinaw niya.

NEW MOVIE. Sa ngayon ay wala pang kumpirmadong kasunod na serye na gagawin si Xian pero masaya nitong binalita na patapos na ang pagtatambal nilang muli ni Kim sa pelikula via the romantic comedy film Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?

“Sa akin I’m not really sure kasi wala pa namang nagsasabi sa akin formally but hopefully. May movie kami, Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?

“Hayun malapit na, malapit na siyang mag-showing and abangan din nila yun. Ilang shooting days na lang and matatapos na siya. I guess may playdate na pero di ko alam kung puwede nang sabihin.

“We are excited and nervous. Kung nabitin kayo sa Ina, Kapatid, Anak, heto na yun, suportahan ninyo ito,” pagtatapos niyang pag-imbita sa kanyang fans.