Mark on why he prefers to keep mum about his lovelife: “Uhm… ayoko nang pag-usapan! Ako naman, kasi siyempre… parang ang daming nakikialam sa buhay, so parang mas pipiliin ko na tahimik lang yung pakikipag-relasyon ko.”

Photo: File

Masaya si Mark Bautista nang matapos umere ang pilot episode ng Sunday All Stars (SAS) kanina, Sunday, June 16.

Bagamat ang grupo ni Jennylyn Mercado ang nanalo sa competition ng mga production numbers, masaya pa rin naman daw silang lahat because they were able to give their best.

“Pero siyempre, hindi pa nagtatapos ang lahat sa episode na ito,” nakangiting pahayag ni Mark nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Marami pang episodes ang aabangan nila, na pag-iisipan namin.

“But so far… masaya!

“Exciting at saka… thrilling!” sabay tawa niya.

Mahirap daw for him na tumayong team leader ng kanilang grupo.

“Mahirap talaga. Kasi siyempre, hindi lang naman ito ang trabaho ko, e.

“May trabaho din ako sa labas ng show naming ito na SAS. Like, kunyari magpu-promote ako ng album ko. Or may iba akong mga shows din.

“So… marami ka ring iniisip.

“Tapos… alam mo yun? Kapag ibinigay sa 'yo itong work na 'to, siyempre kailangan mo talagang gawin.

“Kasi part ka rin ng show. At gusto mo ring mapaganda yung show,” pag-amin niiya.

CONCEPT BRAINSTORMING. What’s the hardest part so far?

“Actually ang pinakamahirap lang… first stage. Yung pag-iisip ng concept. Kung ano yung magiging structure ng prod [production number] n'yo.