“So, parang ito, parang outlet siya sa akin na siyempre, sa With A Smile, may character ka. So, meron kang mga limitations din. Pero ‘pag ito, as yourself ka na, kumbaga dito mo mapapakita yung other side of you naman, na minsan medyo magpapaseksi ka, minsan, o-aura-aura ka. Yung ganun," ani Andrea Torres tungkol sa pagiging bahagi niya ng Sunday All Stars.

Photo: Noel B. Orsal

Andrea Torres says Sunday All Stars is a breather from her being an actress.

Simula kasi sa Lunes, June 24, regular nang mapapanood ang morningserye niyang With A Smile kasama sina Mikael Daez, Andrea Torres, at Christian Bautista.

Ito ang unang topic noong nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) during the launch of Sunday All Stars (SAS) last June 16.

Ano nga pala ang dahilan ng paglipat ng pilot episode ng With A Smile? Dapat sana’y sa nitong Lunes, June 17, nagsimulang umere ito, pero nalipat sa susunod na Lunes na, June 24.

“Program spacing daw po. Kasi ang daming nag-pilot. Parang halos sunud-sunod, per week yata may nagpa-pilot na show. 

“So, parang gusto nilang lagyan ng konting ano muna, medyo patagalin ng isang linggo bago kami umere,” sagot naman agad ni Andrea.

Wala naman daw problema sa kanila iyon ng co-stars niyang sina Mikael at Christian kahit handang-handa na silang mapanood ng publiko tuwing umaga mula Lunes hanggang Biyernes.

“Oo, okey lang sa amin. Basta kung ano’ng makakabuti sa show. Siyempre binibigay na namin sa network  iyon,  kung ano yung gusto nila for the show.”

FUN WITH SAS. Sa SAS, member ng Tweet Hearts team ni Jennylyn Mercado si Andrea, at sila ang nagwagi sa pilot episode ng naturang bagong Sunday musical variety show.

“Yehey,” ang tumatawang reaksyon ni Andrea.

Tinalo nila ang Insta Gang team ni Christian Bautista, ang Tropang Trending ni Mark Bautista, at ang Ligang iLike ni Jolina Magdangal.

“Sobrang saya. Actually, kanina naglolokohan kami, ano lang naman kasi kami, hindi namin sineryoso masyado. Parang gusto lang naming i-enjoy. Iyon lang ang pinaka-goal naming, mag-enjoy lang lahat.

“So, parang naglolokohan lang kami na, ‘O, congrats, guys!’

“Yung mga ganun. Ina-assume namin na mananalo kami, pero joke-joke lang.