Hindi raw pipigilan ni Annabelle Rama ang alagang si JC de Vera kung gusto na nitong umalis sa kanyang poder. Sabi ni Annabelle, “Tapos na ang kontrata niya sa akin. Kung ayaw niya mag-renew, okay. Kung gusto niya, okay din.”

Photo: Noel Orsal

Muling abala ang talent manager na si Annabelle Rama sa kanyang mga alagang artista matapos hindi palarin sa kanyang congressional bid sa first district ng Cebu.

Sa ulat ng InterAksyon, sinabi ng talent manager na alam niya ang balitang may planong iwan na siya ng isa niyang alagang si JC de Vera.

(Read: JC de Vera asks for "time out" from talent manager Annabelle Rama)

Ayon kay Annabelle, na kay JC na raw ang desisyon.

Aniya, “Tapos na ang kontrata niya sa akin. Kung ayaw niya mag-renew, okay. Kung gusto niya, okay din.”

RUFFA & RICHARD. Samantala, masaya naman si Annabelle na ang kanyang mga anak na sina Ruffa at Richard Gutierrez ay nagbabalak na mag-aral sa labas ng bansa.

(Read: Ruffa Gutierrez to study International Political Economy in King's London College for one summer)

Naniniwala rin si Annabelle na gustong mag-aral ni Ruffa sa London dahil balak nitong pumasok sa pulitika balang-araw. Pero ito raw ay kutob lamang niya dahil hindi pa sila nagkausap ng panganay na anak.

Aniya, “Natutuwa ako dahil maganda ang course niya. Duda ko tatakbo 'yan, pero di naman niya inamin sa 'kin, e.”

Itinanggi naman ni Annabelle ang bali-balitang kaya raw sa Europe mag-aaral si Richard dahil gusto nitong mapalapit at makasama ang girlfriend na si Sarah Lahbati.

Pinabulaanan din nito ang mga balitang nabuntis at nanganak na si Sarah.

Sabi ni Annabelle, “Wala, wala. Magpapahinga lang dahil grabe ang trabaho niya [Richard] for so many years. Hindi totoo ‘yan.”

AT ODDS WITH CEBU PARTYMATES? Itinanggi rin ni Annabelle ang balitang may tampuhan sila ng kanyang mga naging kapartido sa Cebu.