Joem Bascon on love scenes with Jake Cuenca: “Talagang ang kissing scene na ginawa namin ay halik talaga, as in halik  na hindi na pupuwedeng maghiwalay ‘tong dalawang taong ito kapag makita mo. Yung ganung halikan, ha, yung yakapan, yung ganung hawak-kamay lang, yung unting nuance na makikipagganun, na mahal kita, ayun, talagang pinaghandaan naming lahat.”

Photo: Arniel C. Serato

Natiyempuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joem Bascon habang nagbi-break ang 36th Gawad Urian sa NBC Tent last Tuesday, June 18.

Kinumusta namin sa Kapamilya actor kung ano na ang balita sa pelikulang Lihis na pinagsasamahan nila nina Jake Cuenca at Lovi Poe.

Saad niya, “Ako kasi, a total of six days yung shooting days ko. Kakatapos lang namin last two weeks ago. 

“Masaya naman, masaya naman yung pelikula.

“Of course, Direk Joel Lamangan, happy ako kasi for a very long time, after nung The Bride and The Lover, nakasama ko ulit siya.

“Siyempre, ang dami niyang naituro.

“Very ano siya, e, maselan ngayon, kasi siyempre ipanglalaban niya, e."

Ang ibig tukuyin ni Joem ay entry ang Lihis sa Sineng Pambansa All-Masters National Film Festival ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Patuloy niya, “Natutuwa ako kasi… ewan ko, di ko alam, e, basta natutuwa ako kay Direk Joel.

“Kahit na alam mo naman na sinasabi nila na nakakatakot siya, pero hindi siya nakakatakot, nakakatuwa siya—in a way na may matututunan ka talaga, e, at the end of the day.”



MOST DARING PROJECT SO FAR. Sa buong career at paggawa ng TV shows at pelikula, aminado si Joem na ang Lihis na ang pinaka-daring na nagawa niya.

Aniya, “Sobra… sobra… sobrang-sobrang daring nitong ginawa namin ni Jake. 

“Actually, ito yung… nag-usap kami ni Jake after this film, siguro a week na hindi kami masyadong nagkikita, hindi kami masyadong nag-uusap.

“Kasi nga, very intimate sa aming dalawa yung pelikula, e.

"I think more than Lovi talaga, sa aming tatlo, kami talaga ni Jake ang sobrang intimate yung relationship sa movie and sobrang daring nga.”

Ano ba ang takbo ng istorya at paano nabuo ang love story nila ni Jake dito?