Andrea wasn't disappointed about the rescheduled airing of their morning teleserye, With A Smile. She said she fully supports the network's decision in finding the appropriate "timing" for their show.

Photo: Noel Orsal

Walang naramdamang lungkot si Andrea Torres nang maantala ang pagpapalabas ng kanyang pinagbibidahang daily soap sa GMA-7, ang With A Smile.

 

Dapat sana ay noong June 17 magpi-premiere ang programa ngunit naurong ito sa June 24.

Sabi ni Andrea sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Wala, kasi ang sabi sa amin, parang program spacing daw.

“Kasi, parang kaka-launch lang ng Anna KareNina, then My Husband’s Lover. Hindi pa nagda-die-down ang hype.

“Tapos, kami naman.

“Parang gusto nila, magkaroon kahit isang week lang na pahinga.

               

“At saka, noong sinabi sa amin, ini-announce kasi sa isang grupo talaga.

“At yung aura naman, hindi naman parang bad news. Parang, ‘Pinapaalam lang namin sa inyo na mamu-move tayo.’”

NEGATIVE REACTION. Pero hindi pa man sila umeere, may mga negative comments na ang ilan tungkol sa serye niya kasama sina Mikael Daez at Christian Bautista, na kesyo hindi nila kayang tapatan ang mataas na rating at kasikatan ng Be Careful With My Heart ng ABS-CBN.

               

Ano ang reaksiyon dito ni Andrea?

“Actually, happy kami. Kasi, yung show namin, hindi siya tinapat, para maiwasan na nga yung ganoon,” tugon niya.

Mas maaga ang timeslot ng With A Smile kumpara sa Be Careful With My Heart.

Patuloy ng Kapuso acvtress, “Pero, ini-expect naman namin na may mga maririnig kaming ganun.

“Minsan, nag-uusap kaming tatlo—kami nina Christian at Mikael, pati si Direk [Louie Ignacio].

“Tinatanong nila kami kung kami ba, napi-feel ba namin na kinu-compare namin ang show sa kabila.

               

“Hindi naman, basta tine-take namin ang show as is.

“Yung mga kilos ng cast at staff, as is. Hindi naman namin binabase sa kung ano ang nangyayari sa kabila.

“Kasi, yun nga, gusto lang namang mag-explore ng GMA.