Pumanaw na ang ina ni Kim Chiu na si Louella Chiu kahapon, June 23. Walang ibang detalyeng ibinigay ang pamilya Chiu kaugnay ng pagyao nito.

Photo: Noel Orsal

Sumakabilang-buhay na ang ina ng young actress na si Kim Chiu.

Ayon sa report ng ABS-CBN, pumanaw si Mrs. Louella Y. Chiu kahapon, Linggo, June 23. Siya ay 50 years old.

Walang detalyeng ibinigay ang pamilya Chiu maliban sa na-confine si Mrs. Chiu sa isang ospital sa Cebu dahil sa karamdaman.

Ngunit ayon sa isang source na malapit kay Kim at sa mga kapatid nito, "aneurysm" daw ang sanhi ng pagkamatay ng ina ng young actress.

Kagabi ay nag-tweet si Kim ng mensaheng ito sa kanyang Twitter account (@prinsesachinita): "sana panaginip lang to..."

Kaugnay ng pagyao ng ina ni Kim ay naglabas ng isang maikling statement ang Star Magic, na siyang namamahala sa career ng young actress:

"Star Magic sympathizes with Kim Chiu on the passing of her mother, Louella Y. Chiu.

"We request that we give Kim and her family the respect and time to grieve for their loss. Thank you."