Idinaan ni Jackie Forster sa social networking sites ang kanyang reaksiyon sa mensahe ng kanyang mga anak kay Benjie Paras na sina Andre at Kobe sa interview ng mga ito sa Startalk noong Sabado, June 22.

Photo: Noel Orsal

Handa na raw magsalita si Jackie Forster tungkol sa mga tunay na nangyari kaya naghiwalay sila ng kanyang ex-husband na si Benjie Paras.

Ang pagsasalita ng kanilang dalawang anak na sina Andre at Kobe sa Startalk noong Sabado, June 22, ang naging mitsa para magdesisyon si Jackie na sabihin ang kanyang panig at ipagtanggol ang sarili.

Bilang ina, nasaktan si Jackie sa mga pahayag ng kanyang mga anak sa live interview ng mga ito sa Startalk.

Nang hingan sila ng mensahe para kay Jackie ay ito ang sinabi ni Andre:

"As of now, we just want her to respect our space.

"Yung mga ginawa po niya sa amin dati, super na-traumatized po kami and, as of now, we just want space kasi it took us a long time to move on.

"And thankfully, we are blessed to have our mom right now, who's with us right now po."

Ang tinutukoy ni Andre ay si Lyxen Diomampo, ang pangalawang asawa ni Benjie Paras at siyang kinikilala ngayon nina Andre at Kobe bilang kanilang ina.

Sabi naman ni Kobe, "Now naman we are happy to have her kasi she's taking care of us. So I want to say thank you din to our mom, Mommy Lyxene."

Dagdag pa ni Andre, "I love  you po, thank you for supporting us."

Pahabol naman ni Kobe, "Thank you for everything and for helping us every time we need help. For being there to protect us from all the bad things. Thank you, we love you."



"REPOST - RETWEET - REGRAM PLEASE." Hiningi ni Jackie  ang suporta ng kanyang Twitter followers, Facebook at Instagram friends para i-repost at makarating sa kinauukulan ang reaksiyon niya tungkol sa mga pahayag ng kanyang estranged sons.

Saad niya, "I have nothing more to hide. I'm just a mother yearning for my kids not a nagging druggy, child abuser.

"People need to stop hyping up this tragic situation because when push comes to shove and I need to protect my husband, two children and family now—I may have to reveal a little more that will devastate those people trying to ruin me.

"So don't push me. You've bullied me too much already. Bullies breed bullies.

"All I want are my kids to get to know me now—As an adult a mother at the right age with the right husband doing THE RIGHT THINGS with her LIFE.