Marami ang nagtataka kung paano nabibigyang-buhay ni Ritz Azul ang mapangahas niyang role sa TV5 mini-series na Misibis Bay. Sabi niya, “Kailangan kong ipasok ang sarili ko sa ibang tao—yun ang iniisip ko… Kailangan kong i-feel talag  kung ano yung feeling niya, nararamdaman niya, kapag ginagawa niya itong ganitong eksena.”

Photo: Noel Orsal

Ngayon daw nararamdam ni Ritz Azul ang kasiyahan at dedikasyong ibinigay niya sa trabaho dahil malapit nang ipalabas ang bagong show niya sa TV5, ang Misibis Bay.

Hindi mapawi-pawi ang mga ngiti sa labi ni Ritz sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang presscon proper ng kanilang programa noong Martes ng gabi, June 25, sa Midas Hotel, Roxas Blvd. Pasay City.

Saad niya, “Nung nakita ko yung mga eksena, siyempre light-light-an pa, tumatawa pa ako…

“Sobrang nung nakita ko yung Misibis Bay na cover, eto yung pinaghirapan namin, parang ang saya. 

“Parang nawala yung pagod namin.”

CONVINCING ACTING. Napanood na raw ni Ritz ang pilot episode ng serye niya, pero hindi ito gaya ng naipalabas sa presscon na edited na at may mga inilagay nang theme at background music.

Base sa napanood na mga eksena ng press, marami ang nagsasabing may ibubuga sa pag-arte si Ritz. Kaya ang tanong ay kung saan niya hinuhugot ang kanyang emosyon sa mga madadramang eksena. 

May pinagdadaanan ba siya ngayon?

Sagot ni Ritz, “Yun nga ang trabaho ko as an artist, as an actress—kailangan kong ipasok ang sarili ko sa ibang tao. 

“Yun ang iniisip ko, ‘Paano kaya kung meron talagang ganitong tao?’ Yun ang pumapasok sa isip ko. 

“Kailangan kong i-feel talaga, kung ano yung feeling niya, nararamdaman niya, kapag ginagawa niya itong ganitong eksena.”

Nagtataka rin ang ilan kung paano nagampanan ni Ritz ang role niya sa Misibis Bay na medyo daring, gayong wala pa itong karanasan o boyfriend.

Sabi ng TV5 Princess, “Yun nga yung nagiging parang mystery sa tao na, ‘Paano ba nagagawa ni Ritz yun mga gano’n?’

“Sa akin din, nagiging mystery rin sa akin yun. Paano ko nga ba nagagawa?