Nilinaw ni Benjie Paras ang hinala ng ilan na hindi niya pinahihintulutan ang kanyang mga anak na sina Andre at Kobe na makita ang dati niyang asawa na si Jackie Forster. Saad ni Benjie, “Ang problema lang kasi, laging lumalabas sa media na hindi niya nakikita ang mga bata. Nakikita niya ang mga bata, ang mga bata ang ayaw. So, yung part na yun, hanggang dun na lang.”

Photo: Allan Sancon

Nagpahayag ng kanyang saloobin ang basketball player turned comedian na si Benjie Paras tungkol sa reaksiyon ng dati niyang asawa na si Jackie Forster kaugnay ng interview ng dalawa nilang anak na sina Andre at Kobe Paras sa Startalk noong June 22.

Sa nasabing interview ay sinabi ni Andre na sana ay respetuhin ni Jackie ang kanilang "space."

Dagdag pa niya, "Yung mga ginawa po niya sa amin dati, super na-traumatized po kami and, as of now, we just want space kasi it took us a long time to move on."

Idinaan naman ni Jackie ang kanyang saloobin sa pamamagitan ng social media.

Aniya, wala na raw siyang itatago at itinangging siya ay "nagging druggy child abuser."

Sabi pa ng dating aktres, "People need to stop hyping up this tragic situation because when push comes to shove and I need to protect my husband, two children and family now—I may have to reveal a little more that will devastate those people trying to ruin me.

"So don't push me. You've bullied me too much already. Bullies breed bullies.

"All I want are my kids to get to know me now—As an adult a mother at the right age with the right husband doing THE RIGHT THINGS with her LIFE.

"Sometimes it aches that I have to protect Benjie *JUST BECAUSE* HE's THE FATHER of Andre and Kobe. It would be much easier for people to understand what happened if I told them EVERYTHING."

(Read: Jackie Forster reacts to Startalk interview of her children with Benjie Paras)

BENJIE'S EXPLANATION. Kagabi, July 2, ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Benjie sa presscon ng bagong primetime series ng ABS-CBN na Got To Believe na ginanap sa Dolphy Theater.

Ayon kay Benjie, siya mismo ay nagulat sa mga naging pahayag ng kanyang dalawang anak dahil hindi raw niya ito inasahan.

Saad ng komedyante, “Yeah, hindi ko rin ini-expect.

"Pero ang lagi ko lang sinasabi sa kanila na, as much as possible, try to avoid these questions.