Kaye Abad is proud to say that her boyfriend Guji Lorenzana is husband-material, since he is “mabait, responsible, at saka may mabuting pamilya.” Yet, the Kapamilya actress is not yet ready to tie the knot with him.

Photo: Mark Atienza

Inasahan na raw ni Kaye Abad ang iba’t ibang reaksiyon ng publiko sa kanyang karakter bilang Stella sa ABS-CBN afternoon drama series na Annaliza.

Kontrabida kasi ang role ni Kaye, na pinagmamalupitan ang bidang si Annaliza, na ginagampanan ni Andrea Brillantes.

Sabi ni Kaye sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment press, “Kasi in-expect ko na ‘yan, e, na may magagalit talaga sa akin.

“Marami pa rin naman yung comments na, ‘Naiinis ako sa ‘yo pero love pa rin kita,’ may mga gano’n.

“May isa nabasa ko, dati ko pa nabasa, sabi niya, grabe naman daw ako sa pagiging masama, hindi naman daw ako kagandahan.

“So, ito na ‘yon, ito na ang simula! ‘Yon pa lang naman, pero mostly may bawi pa rin naman.”

Nakausap ng PEP si Kaye kahapon, Hulyo 10, sa set ng Annaliza sa Sienna College, sa San Jose, Bulacan.

GUJI IN THE VOICE. Samantala, marami ang nagulat sa naging pagsali ng nobyo ni Kaye na si Guji Lorenzana sa talent search show ng ABS-CBN na The Voice of the Philippines.

Kasama ni Guji na sumali ang kanyang kapatid na si Grace, na ayon kay Kaye ay malapit sa kanya.

Nagsabi naman daw sa kanya si Guji bago ito sumali, at suportado naman daw niya ito.

Kuwento ni Kaye, “Sinabihan niya ako. Sabi ko, ‘Sige, try mo.’

“Nagulat ako pero nakuha naman sila, so happy ako sa kanilang magkapatid.

“Kumbaga, wala naman silang pinagkakaabalahan ngayon.”

Ang pinili nina Guji at Grace na maging coach ay si Apl. de. ap.