Jonathan on his drive and determination to clinch his dream job: “I am an extremely driven and passionate person. I always set my eyes on the prize, and as people would describe me, what Jonathan wants, Jonathan gets. ”

Photo: Nikko Tuazon

Nakaabot na sa Final 2 ang Pinoy contestant sa reality competition show na The Apprentice Asia na napapanood sa AXN Channel.

Ito ang kauna-unahang Asian franchise ng reality competition na pinasikat ng American business tycoon na si Donald Trump.

Isang Economics major graduate ng University of the Philippines si Jonathan Allen Yabut at isa rin siyang senior product manager para sa isang kilalang pharmaceutical company.

Kung papalarin ngang manalo si Jonathan, he will get a one-year contract with a salary of $100,000 working for Malaysian entrepreneur Tony Fernandes na siya ring host ng naturang reality competition show.

Tony Fernandes is the Group Chief Executive Officer of AirAsia.

Sa naganap na huling episode ng The Apprentice Asia, na-convince nga ng 27-year-old Pinoy contestant ang Malaysian airline tycoon na karapat-dapat siyang umabot sa Final 2 dahil marami nga raw siyang magagawa para sa kumpanya ng tanyag na industrialist.

He said he has the passion and ambition to work for somebody like Tony Fernandes .

“I am an extremely driven and passionate person. I always set my eyes on the prize, and as people would describe me, what Jonathan wants, Jonathan gets.

“I want to prove to Mr Fernandes that the real me is the real apprentice.

“If you look into my eyes, I have the most burning eyes in terms of passion.

“Any ambition is always matched with the resources that you have,” diin pa ni Jonathan bago siya mapili para sa Final 2, kasama ang isa pang contestant—ang Singaporean lawyer na si Andrea Loh Ern-Yu.

Noong una, dalawa silang Pinoy na nakasama sa official 12 contestants ng show. Pero noong episode 7 ay natanggal na si Celina Le Neindre.

Bagama’t na-fire si Celina, inalok naman siya ng trabaho ng AirAsia Philippines.

POSITIVE FEEDBACK. Maganda nga rin ang mga feedback kay Jonathan pag dating sa mga business tasks at decision-making challenges na pinapagawa sa kanila sa show.