Ngayong gabi, July 22, pinangalanan na ni James Yap ang Italian girlfriend. Siya ay si Michaela Acazzolla.

Photo: Instagram: jamesyap18

Ngayong gabi, July 22, sa panayam ng TV Patrol kay James Yap, pinangalanan na ng cager ang Italian girlfriend na si Michaela Acazzolla, at inaming isang taon na ang kanilang relasyon.

Nagtatrabaho daw ito sa Asian Development Bank (ADB) bilang secretariat specialist.

"Barbie doll" daw ang tawag ng mga kasamahan nito sa ADB dahil sa kanyang tindig at ganda.

Sa iba pang Instagram posts ni James, makikitang nakasama na si Michaela sa kanilang family dinner.

Ayon pa kay James, “Oo, very ano siya support [supportive], talagang support all the way. Masaya kami.

"Ang masasabi ko lang yung masaya kami.”

Kahapon, July 21, nag-post muli si James ng kanyang larawan kasama si Michaela, na sa pagkakataong ito ay nakayakap sa cager. Ang tangi nitong caption ay "1."

At press time, may lagpas 200 comments na ito at halos 3,000 likes.


JAMES TO JOIN SHOWBIZ? Samantala, may posibilidad na pasukin na rin ni James ang showbiz.

Kung hindi madidiskarel at magkasaraduhan ng deal, maaring makasama ito sa isang sitcom sa TV5.

Sa panayam kay Ryan Agoncillo ng Aksyon last Friday, July 19, sinabi nitong pagkatapos ng Talentadong Pinoy ay magiging abala naman siya sa isang bagong show.

Dito ay nagkuwento si Ryan tungkol sa development ng naturang programa. Saad niya, “It’s in the works. A, of course James’ name is floating, I hope he says yes to our proposal.”

May pinaplano rin daw film project ang Regal Matriarch na si Lily Monteverde para kay James.