Photo: Noel Orsal

Habang naghihintay ng schedule ng kanyang shooting para sa 10,000 Hours, naikundisyon na nang husto ni Alden Richards ang kanyang sarili.

Gaganap siya bilang young Senator Ping Lacson sa nasabing pelikula na entry sa Metro Manila Film Festival this year at pagbibidahan ni Robin Padilla. Idirihe ito ni Joyce Bernal.

“Last week, nag-workshop ako,” kuwento nga niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng Sunday All Stars kanina, Linggo, July 28.

“Mahirap po for me na mag-portray bilang young Ping Lacson. Siyempre, we’ll be doing a film based on a true story.

“So, 'yon nga po… binigyan ako ng opportunity ng production na makapag-train ng fight scenes, paghawak at pagpapaputok ng baril, and…

“Nagri-reasearch din po akong mabuti ngayon para mapaghandaan ko nang lubos yung role.

“Sa mga training na ginawa ko, nahirapan po ako do'n sa gun. Kasi po ang gusto nila, ang normal kasi na hawak po ng baril ay sa right hand.

“E… kaliwete po ako. Sabi ko… hindi po ba natin puwedeng gawing sa kaliwa?

“Awkward daw pong tingnan sa screen kung left hand ang ipanghahawak ko sa baril.

“So, medyo mahirap po sa akin na bumaril using my right hand. Kasi mahina po yung reflexes, e.

“Ang naging madali naman po para sa akin na training ay yung sa stunts na merong forward roll. At saka yung stunts na required para mag-evade ng baril.

“Hindi mahirap sa akin 'yon pati yung tinatawag na footwork. Kasi dancer ako.

“'Yon po. Siguro po dahil sa pagiging dancer ko kaya madali lang sa akin yung gano'n. Pati yung mga tumbling-tumbling.”

RESEARCH. Tungkol naman daw sa research na ginagawa niya, sisikapin niyang maging very extensive na ang lahat na kinakailangan niyang information na makakatulong sa pag-portray ng role ay makuha niya.