Taliwas sa kumalat na balita, hindi tinanggalan ng korona ang "Super Sireyna" winner ng Eat Bulaga! na si Francine Garcia—o mas kilala sa kanyang alias na "Kim Chiu."

Photo: Courtesy of Eat Bulaga Facebook page

Pinabulaanan ni TAPE Inc. Senior Vice President and COO Malou Choa-Fagar ang kumalat na balitang binawi nila ang korona at title ni Francine Garcia, a.k.a. Kim Chiu, dahil sa diumano'y mga nude picture nito na kumalat sa social media.

Si Francine ang grand winner ng “Super Sireyna” contest ng Eat Bulaga! dahil siya ang ipinoroklamang Queen of Queens sa coronation day na ginanap sa Resorts World Manila noong Sabado, July 27.

Ayon kay Malou, hindi totoo ang mga balita na binawi nila ang beauty title at korona ni Francine dahil iba ang kanilang contest sa Binibining Pilipinas, na mahigpit na ipinagbabawal ang mga kandidatang nag-pose nang sexy at sangkot sa mga eskandalo.

Sa panayam naman ni Francine sa GMA News ay ito lang ang sinabi niya sa mga naninira raw sa kanya: "Yung mga bashers and haters, yung mga tao na hindi nakakatanggap na nanalo ka na, of course, will still find skeletons in your closet."



UNDERGROUND WORK. Samantala, ang pagkalat ng sinasabing nude pictures ni Francine ay naging daan naman para mahalukay ang underground work ng ilang Pinoy transsexuals at transgenders.

Nanggaling diumano ang nude photos ni Francine sa isang website para sa mga lalaki na may fetish sa mga transgender o "ladyboy."

Mga hubad na litrato, sex videos, at live sex shows ng Filipino ladyboys ang makikita at mapapanood sa adult website na madaling ma-access sa pamamagitan ng credit cards.

“Transsexual treasures of the Orient” at “Pure Pinoy Pleasure” ang panghalina ng nasabing website sa kanilang potential customers na naghahanap ng kakaibang klase ng sex trip.

Required na magbayad ng US$24.95 sa pamamagitan ng credit card ang mga nagnanais na maging member ng adult website na may 137 Filipino ladyboy models.

Ang website ng online transsexual at transgender sex workers ang pinagmulan diumano ng mga hubad na larawan ni Francine.

May nagsasabing luma ang mga kumalat na litrato ng “Super Sireyna” winner dahil intact pa doon ang kanyang sex organ.

Mapapanood si Francine sa indie film na Quick Change.

Sa kanyang nude scene sa pelikula, wala na ang kanyang sex organ dahil sumailalim na siya sa sex reassignment surgery.

Kinumpirma ng isang production insider na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ipinatanggal na ni Francine ang kanyang ari na panlalaki.

Official entry sa New Breed Category ng Cinemalaya Independent Film Festival ang Quick Change, na isa sa mga must-watch movies dahil mahusay ang pagkakagawa nito.

Ang buhay at ikinabubuhay ng mga transsexual at transgender ang kuwento ng bagong indie movie ng writer-director na si Eduardo Roy, Jr.