“We are truly saddened by the fact na may nag-leak na private video of me and my girlfriend, Neri Naig. Humihingi po ako ng paumanhin sa mga pamilya namin for this unfortunate incident,” Parokya ni Edgar vocalist Chito Miranda posted on his Instagram account earlier.

Photo: File / Noel Orsal

Inunahan na ng paumanhin ni Chito Miranda ang diumano'y pagkalat ng "private video" nila ng kanyang girlfriend na si Neri Naig.

Sa kanyang Instagram account, (chitomirandajr), kaninang umaga, August 3, nagpahayag ng saloobin ang frontman ng bandang Parokya ni Edgar tungkol dito.

Aniya, "We are truly saddened by the fact na may nag-leak na private video of me and my girlfriend, Neri Naig.

"Humihingi po ako ng paumanhin sa mga pamilya namin for this unfortunate incident.

"Thank you for your prayers."

Sa kanyang Twitter account naman (@chitomirandajr), ipinaliwanag niya kung paano ito nangyari.

Sabi ni Chito, "Thanks for all your prayers and encouraging messages. Our hard drive was stolen from our room in our house along with several other stuff..."